Saturday, 14 April 2012

SARAH AT GERALD, MAGSASAMA PARA SA SUMMER STATIOD ID THEME SONG NG ABS-CBN


Magsasama sa unang pagkakataon sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa isang music video dahil sila ang kumanta ng summer station ID theme song ng ABS-CBN na “Pinoy Summer, Da Best Forever” na ilulunsad ngayong Linggo (April 15) sa ”ASAP 2012.”

Sa awitin nina Sarah at Gerald ipapakita, kasama ang pinakamalaki at pinakamaningning na Kapamilya personalities, ang tunay na kulay ng Pinoy summer at ipapamalas ang mga dahilan kung bakit ang Pilipinas ang pinakamagandang puntahan tuwing summer para sa mga turista at kababayan.

Ayon kay ABS-CBN Creative Communications head Robert Labayen, ang kagandahan ng summer sa bansa ay hindi lamang nakikita sa likas na yaman nito kung hindi sa mismong taong naninirahan ditto, ang mga Pilipino.

“Isasalarawan sa summer station ID kung paano ipinagmamalaki ng mga Pinoy ang kanilang pinagmulan at mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng mga idinadaos na festivals sa bawat lugar. Ilan sa mga isasalamin dito ang pagtutulungan, pagkakaisa, respeto, at pagmamahal sa sarili. Dagdagan pa yan ng kulay at saya ng mga Pinoy na lalo pang magpapainit sa summer at mas magbibigay buhay sa selebrasyon,” sabi niya.

Katulad na lang ng festival dancers na magbibigay ng libreng sakay kina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, John Prats, Melai Cantiveros, Pooh, at Jason Gainza.

Magpapaunahan naman sa pagkain ng mangga sa Guimaras ang “It’s Showtime” hosts na sina Anne Curtis, Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Billy Crawford, Kuya Kim, Ryan Bang, Colleen, Jugs, at Teddy.

Mas makulay din ang parada dahil sa makulay at namumulaklak na kasuotan ni Ai Ai Delas Alas sa isang floral float at mas masaya kung lahat ng ka-baranggay ay sasama sa kasiyahan lalo na kung si Angel Locsin mismo ang mag-aaya gamit ang kanyang nakakaakit na ngiting Pinay.

Mapangahas naman na mag-cliff diving si Piolo Pascual para hanapin ang kagamitan ng kaibigang aksidenteng nahulog sa asul at malinis nating karagatan.

Ipapakita ni Bea Alonzo kasama ang mga matatabang majorettes ang tunay na kahulugan ng sexy habang tutulong naman ang ABS-CBN News anchors na sina Noli De Castro, Korina Sanchez, at Ted Failon sa prusisyon.

Ang theme song ay isinulat ni Christine Darla-Estabillo at musikang likha ni Marcus at Amber Davis.

Ang 2012 Summer Station ID ay likha ng ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) kasama sina corporate marketing head Cookie Bartolome t Zita Aragon. Pinamamahalaan ang produksyon nito nina Johnny delos Santos, Patrick de Leron, Ira Zabat, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Danie Sedilla-Cruz at Dang Fortaleza-Baldonado. Kabilang naman sa Creative at Production team sina Sheryl Ramos, Love Rose De Leon, Christine Joy Laxamana, Pamela Joy Mercado, Mark Bravo, Christian Faustino, Christine Daria-Estabillo at Shally Tablada.

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Paolo Ramos kasama ang 2nd unit directors na sina Johnny Delos Santos at Peewee Gonzales. Kasama rin sa team sina Jaime Porca, Technical production head; Rommel Andreo Sales, Director of Photography; Oliver Paler, Alfie Landayan at Meryl Miranda, Post Production Team; Lorenz Roi Morales, Editor; Darwin Duenas, Production Coordinator; Sam Esquillon, Production Designer; Marchie Mallari, Artist Coordinator; Mary Ann Rejano, Talent Caster; Marvin Bragas, Location Manager; at Marileth Abejero, Photographer.

Huwag palalampasin ang laglulunsad ng ABS-CBN’s Summer Station ID na “Pinoy Summer Da Best Foeever, ngayong Linggo (April 15) sa “ASAP 2012.” I-tweet ang inyong mga opinyon sa station ID gamit ang mga hashtag na #PinoySummer #DaBestForever
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon

Chris Carrabba Had a Date with His Crush Pinay Singer Yeng Constantino

Chris Carrabba Had a Date with His Crush Pinay Singer Yeng Constantino


During his stay in the Philippines last month for a concert, Chris Carrabba of Dashboard Confessional was very vocal about his intention to meet his Pinay crush - singer/songwriter Yeng Constantino.

Did his wish happen? Yes, it surely was granted!

How?

Read below story taken from Yeng's online journal yengconstantino.tumblr.com:

Paano ito nangyare? ito ang storya…

Kakatapos ko lang kausapin yung bestfriend ko about hmmmmm….. (di ko na matandaan…) sa cellfone… Gabi na maaga pa flight papuntang Davao… So babay babay na… pagbukas ko ng cellfone… may txt si Ate Cynthia (isang friend and kasama namin sa Cornerstone Management.. :) )… Gusto ka daw mameet nung vocalist ng Dashboard….

Pause. bwelo ng matagal na inhale……………….biglang! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!

Sigaw lang talaga!!!! Tanong lang ng tanong ang utak ko.. “ANO NA TOH?!?!?! ANO NA TOH?!?!?!!” hindi ko din alam ang ibig sabihin ng tanong ko….. Ang dapat na tanong dun eh.. “anong nangyayare?” peo ANO NA TOH! yung lumalabas sa utak ko.. :) hehehe!

Naalala ko pa nung highschool ako nung unang beses kong marinig ang “Vindicated” ng Dashboard! Wasak… iyak ako ng iyak sa kantang yon… kahit di talaga ako ganun kagaling mag ingles… Pero sa MELODY PALANG WASAK KA NA! alam mo yung feeling na yon? for sure may mga kantang talagang sobrang nagpapaiyak din sainyo! yun! yun! ganun yung feeling…. :)

Simula nun naging isa sa mga ultimate crushes ko na talaga si Chris Carrabba… Nalala ko pa nung binigyan ako ng isang friend ko ng Mp3/Mp4 player wala pa kong ipod nun… nakita ko na pwede palang lagyan din ng picture… NAKU! tadtad ng picture ng muka ni Chris yun! iba iba… May nakaside view… kumakanta… photoshoot… basta ang dami! :) Ganun ko sya ka-crush!!!! Makikilala ko sya? panaginip toh!!!!!!

Pagtapos ng Vindicated… “Hands down” naman naging favorite ko at kanta ko yun sa crush ko nung highschool… (pero ngayon di ko na sya makakanta kase sinesave ko na ang kiss ko sa mapapang-asawa ko hehehehe…may lyrics kase dun na…

“ My hopes are so high

That your kiss might kill me

So won’t you kill me

So I die happy”

Di na pwede!!! heheheh! Save na para sa future husband..)

Sobrang ganda talaga ng mga melodies ng gawa nyang mga kanta! :) Parang kiddie… :) Eh mahilig ako sa Punk Rock… :) sarap! nakakabata! :) Sobrang ganda talaga ng mga melodies ng gawa nyang mga kanta! :) Parang kiddie… :) Eh mahilig ako sa Punk Rock… :) sarap! nakakabata! :) Naalala ko pa nung highschool ako ang favorite ko talaga nun si Marimar at si Mandy Moore heheheheh! tapos nung narinig ko yung blink 182! BOOOM! nag-iba na ang lahat… :) Ginusto ko na magkabanda simula nun! Pero now di ko narin kayang pakinggan ng deretso yung mga kanta ng blink dahil dun sa mga message ng kanta nila kaya sobrang saya ko nitong nakaraan na may bago silang kantang sobrang ganda tapos ganda nung lyrics! :) ito link.. :) wishing well link… Galing pa ni Travis! waaaaaaaaaahhh! lupit pumalo! :) Feeling ko ginawa nila tong kantang to para saming magbestfriend ahahahah! kase paborito talaga namin Blink!

Nagsunod sunod na yun… Sum 41, Rufio, Coheed and Cambria, Paramore, The Ataris, Taking Back Sunday, Yellow Card(kanta ko din sa crush ko nung highschool yung ONLY ONE! ) dami pang iba…. Pop or underground punk bands sobrang hilig ko dati.. (hanggang ngayon naman.. pero sala lang ng lyrics.. :))

Dashboard Confessional… di nila nile-label sarili nila na punk pero pareho ng pakiramdam for me… kakaiba lang ngpagkasulat ng lyrics.. :) ang ganda… soft… nakakagirly mode on! hehehe! AYUN!
Read further from SOURCE.

Share By JED || Full Story @ Showbiznest

Popular Posts