Wednesday 27 June 2012

Mario O’Hara dies of leukemia

(UPDATE) Director Mario O’Hara succumbed to leukemia at the San Juan de Dios Hospital on June 26. He was 65.

O’Hara’s last project was the TV5 series “Sa Ngalan ng Ina,” starring Nora Aunor.

He was also a movie and stage actor and wrote scripts for television.

O’Hara worked with National Artist for Film Lino Brocka through PETA (Philippine Educational Theater Association) in 1969.

He wrote the script for “Tinimbang Ka Ngunit Kulang”, “Insiang” and “Cadena de Amor” among others.

As an actor, he was in “Tubog sa Ginto”, “Gumising Ka, Maruja” and “Tinimbang Ka Ngunit Kulang.”

He won the Metro Manila Film Festival (MMFF) best screenplay award for “Rubia Servios”,Best Director for “Bulaklak sa City Jail” and Best Actor for “Halimaw sa Banga”.

O'Hara’s indie film , “Ang Babae sa Breakwater," was accepted at Cannes. The Manunuri ng Pelikulang Pilipino also named it one of the Ten Best Films of 2000 to 2009.

Maridol Rañoa-Bismark | Yahoo! Southeast Asia Newsroom

Two days left to vote for your idols!

With two days left to vote, make sure you push your favorite celebrities to the top of their categories in the second annual OMG! Awards.

Don’t let your idols end up being runners-up.

You can vote for them again and again until Thursday, June 28.

You can even vote for them by text. Simply click on their respective categories to find out how.

Few sure wins

While clear favorites have emerged from the millions of votes already cast, you can still push to have your idols occupy the top spot.

At this point, winners are still up in the air.

Your votes during these last two crucial days will determine who makes it and who won’t.

Very slim leads

Can you believe that based on votes cast as of 12:30 p.m. on Monday, June 25, Luis Manzano leads Vic Sotto in the Male TV Host of the Year category by only 2%?

Or that Angel Locsin is ahead of Anne Curtis as Actress of the Year by only 1%?

Even in the Most Promising Actor category, Enrique Gil leads Paulo Avelino by 3%.

The big reveal

The winners will be revealed at the second annual OMG! Awards night at the Mall of Asia Arena on July 6, Friday, with Richard Gutierrez, Georgina Wilson, Solenn Heussaff and Isabelle Daza as hosts.

Up to 10 FREE tickets per day per person are now available at all SM Tickets outlets until supply lasts.

Vote online or by text for your favorites to win.

OMG! Awards staff | Yahoo! Special Projects

Zaijian prays for Dolphy’s health

Child star Zaijian Jaranilla is praying for the full recovery of Dolphy, whom he has worked with in the defunct Kapamilya soap “May Bukas Pa.”

“Sana po ay gumaling po siya sa kanyang malubhang sakit at pagkatapos niyang gumaling ay masaya siya,” Zaijian said at the press conference of ABS-CBN’s upcoming TV drama “Lorenzo’s Time” on Thursday, June 21.

Fun on the set

Zaijian recalls that he and the Comedy King always had fun on the set.

“Lagi kaming masaya. Palagi siyang nakakatawa. Naawa ako, kasi nung “May Bukas Pa,” malakas pa siya noon, tapos ngayon mahina na siya.”

Zaijian added that Dolphy was already using an oxygen tank back then to support his breathing.

“Noong nagtatrabaho po kami ay nakakaawa kasi po kapag break mayroon siyang panghinga (oxygen).”

After his noteworthy performances in “May Bukas Pa” and “Ikaw ang Pag-ibig,” Zaijian feels blessed at having another good project from the Kapamilya network. Zaijian plays the title role in “Lorenzo’s Time,” a child diagnosed with progeria.

Acting workshops

Zaijian shared that he prepared for his role by undergoing acting workshops under Pen Medina.

“Parang sinasabi niya po kasi sa akin kung ano ‘yung dapat kong gawin. Itinuro niya kung paano ‘yung lakad ko, yung lakad na pangmayaman, pangmahirap. Pero may script siyang binibigay sa akin, tapos po kung paano ‘yung boses ko at throw lines kami.” he said.

Carmina Villarroel plays Zaijian’s love interest.

“Noong una po medyo nahihiya-hiya pa ako. Medyo nasanay na po,” Zaijian said.

Directed by Jerome Pobocan and Tots Mariscal Sanchez, “Lorenzo’s Time” premieres in ABS-CBN Primetime Bida on July 2.

Karen Valeza | Yahoo! Southeast Asia Newsroom

Isko Moreno, Alfredo Lim may away

Kamakailan lang ay ipina-blotter ng dating aktor at ngayon ay Vice Mayor ng Manila na si Isko Moreno ang kaniyang Mayor na si Alfredo Lim dahil umano sa pagtatangka nito sa kaniyang buhay. Ito ay dahil daw sa pagbabanta ni Mayor Lim kay Isko at iba pa nitong kasamahan sa isang pulong ng barangay officials. Kasama ni Isko Moreno na naghain ng kanilang mga reklamo laban kay Alfredo Lim ang 28 na mga konsehal. Iginiit naman ni Mayor Lim  na pinupulitika lamang siya ng mga taong naninira sa kaniya.

Nilinaw ng alkalde na si Alfredo Lim na ang sinasabi ni Isko Moreno na pagtatangka ay isa lamang umanong figure of speech. Ang nabanggit lang umano ng Mayor Lim kay Isko ay ang pahayag na, “Uy, tumigil ka na nga. Para kang walang kamatayan, e.” Sa tingin naman daw ni Alfredo Lim ay wala siyang pananakot na ginawa dito.

Naninindigan pa rin si Isko sa kaniyang naging akusasyon laban kay Mayor Lim. Sa ngayon ay pinag-iisipan na ni Isko Moreno na magsampa ng kaso laban sa alkalde. Giit pa ni Isko Moreno, marami ang nakakita at nakarinig sa mga sinabi ni Alfredo Lim laban sa kaniya kung kaya naninindigan siya sa kaniyang mga naging pahayag. Kilala naman umano ng mga tao ang Mayor kung kaya hindi malabo na gawin niya raw ang kaniyang pananakot. Nabanggit din ni Isko na usong-uso sa lungsod ng Manila ang shoot-to-kill order kung kaya may agam-agam siya sa pagtatangka umano ni Alfredo Lim sa kaniyang buhay.

Ngayong darating na 2013 election ay hindi na makakasama ng alkalde si Isko sa iisang partido. Ayon pa kay Isko Moreno, wala umanong dapat ipag-alala ang Mayor dahil wala umano siyang balak na kalabanin ito. Ipinaalala rin ng vice mayor kay Alfredo Lim na si Joseph “Erap” Estrada ang makakalaban nito at hindi siya. Malaki umano ang pagtataka ni Isko kung bakit pinag-iinitan siya ni Mayor Lim. Ayon naman sa Manila Mayor, ang kaniyang naging mensahe sa grupo ni Isko Moreno ay ginawa niya sa harap ng district director ng MPD na si General Gutierrez at iba pang mga kapulisan. Kung pananakot umano ang ginawa ni Alfredo Lim ay hinuli na sana siya ng heneral sa kaniyang mga sinabi sa harap nito.

Full Story @ Tsismoso

Melissa Ricks, ayaw pakasalan ni Paul Jake Castillo

Masaya ang dalagang si Melissa Ricks sa itinatakbo ng kaniyang career at maging ang kaniyang love life. Suportado naman umano ni Paul Jake Castillo ang mga ginagawa ng nobya kahit pa madalas ay busy ito sa taping. Nabanggit umano ni Paul Jake sa isang panayam na ayaw niya pang pakasalan ang kaniyang nobya na si Melissa. Kamakailan lang ay inamin nina Melissa Ricks at nobyo ang kanilang relasyon at sinabi na hindi na nila kailangang itago ang tunay  na estado ng kanilang pag-iibigan sa publiko.

Nilinaw naman ni Melissa na takot din siya sa usaping pagpapakasal katulad ni Paul Jake dahil sa kaniyang batang edad pero kung nakilala na rin naman umano ang tamang tao para makasama sa habang buhay ay hindi mag-aalinlangan ang dalaga na lumagay sa tahimik. Ilang buwan pa lamang ang itinatagal ng relasyon nina Paul Jake Castillo kung kaya gusto muna ng aktres na makilala pa nang mabuti ang nobyo.

Nakilala na rin ni Melissa Ricks ang mga magulang ng businessman na nobyo. Pinasinungalingan din ng dalagang si Melissa ang mga balitang handa na siyang magpakasal kay Paul Jake ngayon na maganda naman ang tinatakbo ng kaniyang career. Wala namang problema si Melissa Ricks sa mga paniniwala ni Paul Jake Castillo patungkol sa pagpapakasal. Kung ang aktres ang tatanungin ay kawalan umano ng binata kung ayaw nitong maniwala sa pagpapakasal. Kung si Paul Jake na raw talaga ang lalakeng para sa kaniya ay maiintindihan naman daw ni Melissa kung sakaling magdesisyon ito na huwag magpakasal sa kaniya.

Sa ngayon ay sapat na raw kay Melissa Ricks ang pagiging inspirasyon sa kaniya ng nobyo. Araw-araw na nagtatrabaho ang aktres kung kaya hindi maiiwasan ang matinding pagod mula sa kaniyang teleserye pero nandiyan naman daw si Paul Jake Castillo para paghugutan niya ng inspirasyon at lakas sa tuwing siya ay napapagod. Hindi naman daw nila nakakalimutan magkaroon ng oras para sa isa’t-isa dahil ayaw nilang maramdaman ng bawat isa na nababalewala ang kanilang relasyon dahil sa trabaho. Ayon naman kay Melissa, sapat na raw sa bawat isa ang kanilang paglabas paminsan-minsan dahil pareho naman nilang naiintindihan ang kanilang sitwasyon sa trabaho. Naniniwala si Melissa Ricks na makakaya nila ng nobyo ang mga pagsubok na darating sa kanilang relayson.

Shamcey Supsup, engaged na sa boyfriend

Lumabas ang balita na ang Miss Universe 3rd runner up na si Shamcey Supsup ay engaged na sa kaniyang businessman boyfriend na si Lloyd Lee. Nagulat naman si Shamcey sa mga narinig niya patungkol sa kanilang nalalapit na pagpapakasal umano ni Lloyd. Aniya, maaaring inakala ng tao na engaged na siya kay Lloyd Lee dahil binigyan siya nito ng isang promise ring na puno ng diyamante. Noong isang taon pa ibinigay ng nobyo ni Shamcey Supsup ang naturang singsing. Aminado naman ang beauty queen na umaasa siyang papunta na sa engagement ang ibinigay sa kaniyang singing ng nobyo. Hindi naman makapagbigay si Shamcey ng panahon kung kailan sila ikakasal ni Lloyd pero ayaw niya naman daw umabot ng edad na 30 bago magpakasal. Noong nakaraang May 26 ay nagdiwang ang dalaga ng kaniyang ika-26 na kaarawan.

Bago pa magkaroon ng relasyon si Shamcey Supsup sa binatang si Lloyd Lee ay malaking bagay na para sa beauty queen ang pagpapakasal. Ang dalaga umano ang tipo ng babae na hindi mahilig sa mababaw na relasyon dahil iniisip niya raw ang pangmatagalan na estado ng isang samahan. Tila ang binatang si Lloyd na rin daw ang binatang hinahanap niya at napatunayan niya ito nang siya ay malayo sa nobyo nang pumunta siya sa Brazil para lumaban sa Miss Universe. Buong-buo naman umano ang suporta ni Lloyd Lee kay Shamcey Supsup sa naturang kumpetisyon kahit pa text lang ang kanilang naging komunikasyon.

Ibinigay ng binata ang promise ring sa kaniya nang bumalik siya sa bansa matapos manalo. Naglalakad lang daw sila sa mall at tinanong sa kaniya ng nobyong si Lloyd Lee kung ano ang kaniyang gustong singsing pero hindi alam ng dalagang si Shamcey Supsup na bumili na pala ang binata. Habang nasa kotse raw sina Shamcey ay ibinigay ito sa kaniya ni Lloyd na ikinagulat naman niya. Tuwang-tuwa naman ang dalaga dahil kasyang-kasya sa kaniya ang regalo ng nobyo kahit pa hindi siya hiningan ng sukat nito. Hangang-hanga naman ang dalagang si Shamcey Supsup sa binatang si Lloyd Lee dahil napakagaling umano nitong pumili ng singsing na magugustuhan niya.

Isang taon na ang relasyon ng magkasintahan pero hindi alam ni Shamcey kung makakatanggap na siya ng wedding proposal ngayong taong ito. Kung sakali naman daw na mag-propose si Lloyd sa kaniya ay papayag naman daw siya magpakasal sa kaniyang mahal na boyfriend. Ang dream wedding ni Shamcey Supsup ay garden o forest wedding. Nilinaw naman ng dalaga na hindi mahalaga ang wedding set-up dahil mas mahalaga raw para sa kanila ni Lloyd Lee ay ang kasal at ang buhay nilang dalawa matapos ang kanilang pag-iisang dibdib.

Full Story @ Tsismoso

KC Concepcion, may bagong boyfriend?

Hindi na itinanggi ng dalagang host at aktres na si KC Concepcion na handa na siyang umibig muli at magkaroon ng boyfriend. Aminado si KC na excited na siyang ma-inlove muli  ngunit hindi naman nagmamadali dahil gusto niyang masigurado na ang darating na boyfriend sa kaniyang buhay ay ang makakasama niya na habang buhay. Marami na umanong natutunan si KC Concepcion lalo na pagdating a buhay pag-ibig kung kaya ngayon ay nagiging maingat na siya sa pagpasok sa isang relasyon. Noong una ay hindi naman daw naiwasan ni KC na matakot pero unti-unti niya na rin umanong natututunan na maging matapang sa kung anumang haharapin niya sa kasalukuyan.

Nabanggit ni KC Concepcion na mukhang mahihirapan siyang makipag-date ngayon sa kaniyang buhay. Ito ay dahil nakapagdesisyon umano siya na non-showbiz boyfriend ang nababagay para sa kaniya. Hindi raw kasi inakala ni KC na magiging sunod-sunod ang kaniyang trabaho kung kaya hindi niya na naisip ang magkaroon pa ng boyfriend. Ipinagsasabay ngayon ni KC Concepcion ang pag-host, pagkanta at pagsayaw kung kaya mahihirapan din siyang magkaroon ng boyfriend na maiiintindihan ang kaniyang trabaho. Nilinaw naman ng dalaga sa kaniyang mga fans na wala pa siyang boyfriend sa ngayon.

Ang gusto raw na boyfriend ni KC Concepcion ay isang humble at hardwroking na binata. Umaasa ang host-actress na ang susunod niyang boyfriend ay ang lalake na gusto niya nang pakasalan. Ayaw ni KC na ang magiging relasyon niya sa kaniyang magiging boyfriend ay on-and-off dahil hindi umano ito maituturing na isang magandang samahan. Inamin ng dalagang host na takot na siyang masaktan muli sa magiging bago niyang magiging boyfriend kung kaya mas gusto niyang mag-ingat at magsaya na muna habang hindi pa ito dumadating.

Naitanong naman sa dalaga ang British band member na si Jules Knight na napabalitang boyfriend na umano ng dalaga. Itinanggi naman ni KC Concepcion ang mga lumalabas na balitang boyfriend niya na ang singer dahil alam umano ng binata kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon. Hindi naman daw umaasa si Jules na maging boyfriend ni KC dahil alam nito na hanggang pagkakaibigan lamang ang kayang maibigay sa kaniya ng dalaga. Hindi naman daw pinapaasa ni KC Concepcion ang binata dahil mahirap umano magkaroon ng boyfriend na nasa malayong lugar.

Sa puntong ito ay gusto ni KC na makikilala niya nang husto ang magiging future boyfriend niya. Inamin naman ni KC Concepcion na gusto niyang makatuluyan ang binatang hindi lang guwapo kundi maganda rin ang kalooban. Kahit wala pang boyfriend ang host ay nanatili naman siyang abala sa kaniyang sunod-sunod na trabaho. Mapapanood si KC Concepcion sa The X Factor Philippines tuwing Sabado at Linggo.

Full Story @ Tsismoso

Piolo Pascual, Jericho Rosales may kumpetisyon

Sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nina Piolo Pascual at Jericho Rosales ay tumitindi rin umano ang kumpetisyon ng dalawa sa pagdating sa kanilang pag-arte. Sa naging panayam kay Piolo at Jericho para sa huling linggo ng kanilang teleserye ay itinanggi nila na hindi na nila iniisip ang kumpetisyon sa bawat isa. Aminado si Piolo Pascual na kapag ibinigay sa kanila ni Jericho Rosales ang proyekto noong sila ay bata pa ay maaaring maramdaman pa nila ang kumpetisyon.

Matured na umano ang dalawang aktor hindi lang sa edad kundi pati sa showbiz dahil mas relax na ang kanilang pakiramdam sa pag-arte. Ayo kay Piolo, hindi niya nararamdaman na magkahenerasyon sila ni Jericho kung kaya hindi niya iniisip ang pakikipagtalbugan dito.

Malaki rin umanong advantage para kay Piolo Pascual ang matagal na nilang pagsasama sa industriya ni Jericho Rosales kung kaya hindi na raw nila kailangang makipagkumpetensya pa. Ang mahalaga umano ngayon sa mga artistang katulad nina Piolo at Jericho ay nabibigyan sila ng magandang proyekto sa telebisyon. Nagtutulungan naman daw sina Piolo Pascual at Jericho Rosales pagdating sa kanilang mga trabaho. Sinegundahan naman ng aktor na si Echo ang naging mensahe ng kaibigang si Piolo. Aniya, pagdating sa kanilang mga eksena ay makikita na sa kanila ni Piolo Pascual na nagtutulungan sila.

Pinagsabihan na rin umano sina Jericho Rosales bago magsimula ang kanilang teleserye dahil ito raw ang gustong iwasan ng direktor. Ayaw naman ni Jericho na makita pa sa mga eksena ang pakikpagtalbugan nila sa isa’t-isa kung kaya iniiwasan nila ito. Bago pa umano magsimulang magtrabaho sina Piolo Pascual ay nangako na sila sa isa’t-isa na teamwork ang kanilang kinakailangan para gumanda ang kanilang mga eksena. Masaya naman sina Piolo at Echo sa kinalabasan ng kanilang paghihirap sa teleserye dahil nagustuhan naman ito ng mga manonood.

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ay agad na sinagot ni Jericho Rosales na masaya siya sa piling ng nobya niyang si Kim Jones. Marami rin silang pagkakapareho ng dalaga kung kaya masayang-masaya ang binata sa kaniyang kasalukuyang relasyon. Maging ang pamilya at mga fans ni Jericho ay botong-boto rin umano sa dalaga Hindi naman masyadong nagbigay ng reaksyon si Piolo Pascual patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig dahil hindi naman kaila sa marami ang pinagdaanan nila ng kaniyang dating nobya sa industriya. Ang pinagkakaabalahan daw ngayon ni Piolo ay ang kaniyang mga trabaho. Inaasahang gagawa si Piolo Pascual ng isang pelikula at teleserye ngayong taon. Hindi naman nakalimutan ni Jericho Rosales na magpasalamat sa mga tagahangang sumubaybay ng kanilang teleserye.

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts