Friday, 10 August 2012
Lovi on great flood: Time to open our eyes
“It’s about time we open our eyes na kailangan alagaan natin ang kalikasan,” she said after the presscon of her latest suspense-horror, Regal Entertainment’s "Guni-Guni". Kailangan natin alagaan ang kalikasan to prevent going through this.”
And while she feels sad over the devastation around her, Lovi saw a glint of hope at the end of the proverbial tunnel.
“It’s nice to see everyone helping, working together. From something bad, something good comes out.”
Lovi doesn’t want to announce the good deed she has done for the flood victims. For her, it’s enough that doing so gives her “a nice feeling.”
Lovi is just as happy that she’s past that stage when “I gave a lot of love kahit hindi na maganda ang balik sa akin.”
Peace of mind
Now, she has "me time", more peace of mind, something Lovi obviously lacked when she fell head over heels in love. It may have cost her a lot. But Lovi has no regrets. In fact, Lovi insists she’s proud of what she did for love. But now, she has learned her lesson. Lovi knows she must choose between “peace of mind” and “being with the person you’re in love with.” She can’t have both.
Lovi also knows how hard it is to “find someone who will actually take care of you.”
Has she suddenly turned into a man hater?
Lovi laughs. It’s not that. It’s just that has been through so much, Lovi realized “it’s hard to adjust to a man.”
No man, she adds, can give her a list of do’s and don’ts in her career.
To each his own
“Pag sinabi niyang bawal na gawin ito, hindi tatagal ang relasyon,” she points out. After all, she herself will never impose on her man’s work. It’s to each his own.
For instance, Lovi is glad she didn’t have to ask permission from anyone before shooting steamy scenes with newcomer Benjamin Alves, who plays her ex-boyfriend in “Guni-Guni.”
“It’s part of the story. Hindi lang basta linagay doon. And Benj was very relaxed while we were shooting the scene,” observes Lovi, also known as the “Horror Princess” because of her string of suspense films.
As a psycho with a dark side beneath her sweet, caring ways, Lovi had to resort to a different attack to immerse herself into the role.
“I wrote down crazy things para lang lumabas ang crazy part of my character,” she reveals.
“Aswang” taught her how to imagine herself as an animal. Now, she is applying the same principle of assuming another identity by thinking of all the crazy things her psycho character can do.
That cryptic look in her eyes as the trailer flashed scenes from the movie shows that she hit the nail on the head.
Maridol Rañoa-Bismark | Yahoo! Southeast Asia Newsroom
Tony Gloria almost lost rights to Apo Hiking songs!
Known for producing out-of-the-box films like "Crying Ladies" and "La Visa Local," did Tony think that a Pinoy musical film was do-able?
"Hindi ako sigurado," he recalled. "Binili ko muna yung rights. Basta meron akong mga choices na songs. Actually, hesitant nga si Jim Paredes kasi marami na palang nag-attempt at walang natutuloy. Binigyan niya ako ng lock for two years lang yata. Na-extend ko yata ng once or twice kasi hindi ko magawa-gawa."
He admitted that there was pressure in his part when he couldn't start his Apo Hiking Society musical.
"Kung di pa kami nag-preproduction last December baka inexpire na rin ako ni Jim kasi ang tagal ko na hindi magawa-gawa. Pangalawang extension na kasi. It's my fault na di ko magawa-gawa. But he had faith in me so he extended it," he related.
Tony stressed that the Apo Hiking Society project has been in his mind for four years already. His fondness for Apo songs sparked the idea for the musical movie. He also envisioned it to be like a "Romeo and Juliet" drama. After two years since he bought the rights, he told Chris Martinez about it and the filmmaker said he would write its script.
"In fact, wala pa kaming kasosyo pero sige na nga start na namin. Studio 5 knew about it but they were also busy with television. Ayaw ko rin naman silang kulitin. So I put up my own money first to start preproduction. And two to three years ago si Gary Valenciano and Zsa Zsa Padilla na nasa isip ko," he elaborated.
"I Do Bidoo Bidoo" was the result and Tony Gloria is more than happy with Chris Martinez's work and take on "pamamanhikan" where the whole movie revolved.
"Maganda siya. Magaling si Chris. It's really entertaining for the whole family," Tony remarked.
He also opined that Pinoy moviegoers are "ripe" for a musical movie like "I Do Bidoo Bidoo." It wouldn't be surprising if the film appeals to Pinoys because of the classic hit songs of the Apo Hiking Society which has been part of the our culture for decades.
Opening on Aug. 29 in theaters in Metro Manila, Tony plans to have screenings in 10 cities in America this October, the same places where they showed "American Adobo." He also bought the rights for a stage musical version of the movie.
Also in the cast are Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Sweet Plantado, Frenchie Dy, Neil Coleta, Jaime Fabregas, Kiray Celis and Gerald Pesigan. The Apo Hiking Society songs featured are "Pumapatak Na Naman Ang Ulan," "Door Bidoo," "Syotang Pa-class," "Awit ng Barkada," "Panalangin," "Tuyo Nang Damdamin," "Mahirap Magmahal," "Salawikain," "Nakapagtataka" "Batang Bata," "Blue Jeans," "Kaibigan," "Huwag Masanay Sa Pagmamahal," "Ewan," "Paano,". "Di Natuto," "Pag-ibig" and "Kabilugan ng Buwan."
Walden Martinez Belen | Yahoo! Southeast Asia Newsroom
Pokwang isn’t giving up on love
has grown wiser in matters of the heart. Now that she’s single again,
the comedienne says the guy’s nationality is not an issue for her.
What’s important is the man respects her.
“Kahit ano, basta may respeto. Marami na akong natutunan sa buhay. Iyon
na lang ang dala-dala ko araw-araw,” Pokwang told Yahoo! Philippines
OMG!
She is happy for her friend Ai-Ai delas Alas who is in a relationship with a young businessman.
“Ako happy ako for Ms. Ai-Ai. Pero ako, malapit na siguro. Oo, magiging masaya rin ako balang araw,” Pokwang said.
She's not afraid to fall in love again.
“Okay lang, ganoon talaga. Tingnan mo yung kay Ms. A, hindi niya hinanap iyon. Pero binigay ni God.”
Going out on dates
Although her daughter allows her to go on dates, Pokwang would rather go out with friends and fellow artists.
“Sa edad niyang (daughter) 16 years old, medyo nakakaunawa na siya.
Pero, parang deadma lang siya. Lumalabas ako pero puro mga kaibigan
lang. Recently, lumabas kami nila Angel (Locsin) with the “TodaMax”
family. Kami nila Ms. Kris (Aquino), nanuod kami ng “The Healing,”” she
said.
Pokwang is elated over the box-office success of the suspense-horror
movie “The Healing,” where she stars with Vilma Santos and Kim Chiu.
Pokwang is grateful at the chance to try different genres.
“Iyon talaga sa Star Magic, ‘yung maging versatile ang mga artista. Like
si Kim, happy siya kasi hindi lang puro pa-tweetums. Sa “The Healing”
nanakot siya, nag-drama rin siya. Ibang Kim din ang ipinakita sa “The
Healing.” Iyon talaga ang(goal) ng Star Magic na lahat kami mabigyan ng
roles na hindi mo akalain na magagawa pala naming.”
Karen Valeza | Yahoo! Southeast Asia Newsroom
John Arcilla on being in ‘Bourne Legacy’: It was surreal
“Parang syang absurd, eh,” he told members of media. “Parang, ibang klase. Nanunuod ka ng isang Hollywood film na nandun ka. Ibang klase, iba yung feeling.”
Arcilla, who played the short role of a pharmaceutical company guard, couldn’t help but talk about the famed motorcycle chase sequence, which he described as as “superb.”
“Yung motorcycle chase na yun, parang natabunan niya yung buong pelikula. Ibang klase, eh,” he admits, laughing a little.
“Parang 'nun lang ako nakakita ng ganoong klaseng habulan, eh, sa lahat ng napanuod kong pelikula (ng) Hollywood, ngayon lang may ganun, na may dyip.”
As for the scenes that featured gritty Manila, Arcilla shared that at first he was worried about how foreigners are going to perceive the country with those scenes.
“Artwork-wise, ang ganda nung (pagkapakita sa) Maynila. Pero bilang isang Pinoy, medyo parang, ah, ito ba talaga yung itsura ng Pilipinas, o ng Maynila na makikita ng buong mundo?” he said.
“Pero ang kagandahan nun,” he added, “bumawi tayo nung ending. Parang suddenly nakakita sila ng paradise sa gitna ng Pilipinas.”
Jozza Palaganas | Yahoo! Southeast Asia Newsroom
AiAi delas Alas nagpakasal na nga ba sa Las Vegas?
Habang tumatagal ay lumalakas ang bulung-bulungan na nagpakasal na ang Comedy Queen na si AiAi delas Alas sa nobyo nito na si Jed Alvin Salang sa Las Vegas, Nevada kamakailan lang. Ang columnist at showbiz talkshow host na si Lolit Solis ang unang nagbalita patungkol sa pagpapakasal ni AiAi diumano sa mas bata na si Jed. Una nang gumawa ng ingay si AiAi at ang nobyo nito nang pagbawalan umano ang binata na lumapit sa komedyante noong mag-concert ito sa ibang bansa. Hindi raw nagustuhan ni AiAi delas Alas ang ginawa ng isa sa mga bodyguard na foreigner kahit pa ipinaalam niya ito na kasama si Jed Alvin Salang sa kanilang grupo. Sandaling umalis ang komedyante sa autograph signing na naganap ngunit bumalik naman ilang minuto matapos ang eksena.
Sa panayam ni Boy Abunda kay AiAi sa The Buzz, hindi niya kinumpirma o itinanggi ang naturang isyu. Si Boy ang tumatayong manager ng komedyante sa  industriya at isa sa pinakamalapit na kaibigan nito. Ang katanungan patungkol kay Alvin ay sasagutin na lamang daw niya pagdating ng tamang panahon. Nang sumali si AiAi delas Alas sa Deal or No Deal ay ipinakita na nito sa publiko ang kaniyang nobyo na si Jed Alvin Salang. Inamin naman ng aktres na inspirasyon niya ngayon ang binata at nananatiling espesyal sa kaniyang puso.
Aminado si AiAi na nahihirapan siyang sagutin ang katanungan patungkol kay Jed dahil marami umanong factor ang pwedeng maapektuhan kung sakaling magsalita siya patungkol dito. Sinigurado naman niya na ipapaliwanag niya sa lahat kapag nabigyan na siya ng tamang panahon at oras para rito. Tinanong ng host sa anak ni AiAi kung may magiging problema ba kung sakaling magpakasal ang kaniyang ina sa nobyo nitong si Jed. Ang naging usapan umano nina AiAi delas Alas at anak nito na si Sancho ay kahit sino pa man ang makatuluyan ng ina ay walang magiging problema rito dahil matagal na umano nitong pangarap na maikasal.
Nilinaw din ng binata na wala siyang problema kay Jed Alvin Salang na kasalukuyang nobyo ni kaniyang ina at napapabalitang asawa na nito. Maging ang manager ni AiAi delas Alas ay nagkomento patungkol dito at sinabing kahit marami pa siyang nalalaman ay mananahimik na lamang siya dahil alam niyang pribadong buhay ito ng kaniyang alaga. Kung sakaling may katotohanan naman daw ito ay ipapakita naman nila ang footage sa mga manonood. Naging makahulugan din ang mensahe ng manager na unang lalabas sa The Buzz kung sakaling may totoo nga ang mga intrigang ito.
Gerald Anderson, tumulong sa mga nasalanta ng baha
Isa lamang ang binatang aktor na si Gerald Anderson sa mga maraming artista na tumulong sa mga nasalanta ng baha sa bansa kamakailan lang. Una noong hinangaan si Gerald nang maging bayani siya sa ilang naging biktima ng bagyong Ondoy noong taong 2009. Ngayon ay hinarap na naman ni Gerald Anderson ang hindi naging magandang nangyari sa ilan sa mga kababayan natin sa pamamagitan ng pag-volunteer nito sa relief operations ng Red Cross. Hinikayat din ng binata ang ilan nitong mga kaibigan na makisali sa pag-donate nila sa Red Cross dahil sa mga dumaraming biktima at mga nasalanta ng baha dulot ng magdamag na pag-ulan dala ng habagat.
Ayon sa handler ni Gerald, agad umanong tumulong ang aktor matapos ang kaniyang paghingi ng tulong sa binata noong kasagsagan ng malakas na ulan. Kararating lamang din daw ng mga panahong iyon ni Gerald Anderson sa relief operation ng Red Cross nang malaman niyang kinakailangan ng handler na si Nhila Mallari na umalis sa kanilang tahanan sa Cainta, Rizal para pumunta sa mas ligtas na lugar. Hindi na nagdalawang-isip pa ang binata at pumunta na agad sa tahanan ng handler para ito ay iligtas. Pinasalamatan ni Nhila ang mga kasama ni Gerald Anderson na tumulong sa kaniya dahil bukod sa pagiging volunteer nito sa Red Cross ay matapang na hinarap ng aktor ang baha sa kalsada ng Cainta para lamang iligtas ang kaibigan nito.
Agad na kumalat ang mga litrato ni Gerald sa Internet na sumusulong sa baha at tumutulong sa mga bata. Marami naman ang mga tagahanga ni Gerald Anderson ang lalo pang napabilib sa ginawang pagtulong nito sa pamamagitan ng Red Cross at sa katapangang ipinakita nito sa pagsundo niya sa kaniyang handler. Sa Twitter ay ibinigay ng mga ordinaryong tao at mga tagahanga ng aktor ang kanilang pagkabilib at pasasalamat sa katapangang ipinakita nito sa panahong marami ang nangangailangan.
Matatandaang lumabas din ang mga litrato noon ng binata kung saan lumangoy ito sa malalim na baha para lamang magligtas ng mga kapit-bahay na nangangailangan ng tulong. Ang pamilyang natulungan noon ng aktor ay napabilib sa kakaibang katapangan nito. Hindi lamang daw magaling si Gerald Anderson sa telebisyon dahil napatunayan nito na kahit wala pang mga kamera sa paligid ay hindi ito magdadalawang-isip na tumulong sa mga taong nasalanta. Kahit pa biktima noon si Gerald ng Ondoy ay hindi ito nagpapigil sa kaniya para magbigay ng sapat na tulong sa iba pang mas naapektuhan ng delubyo.
Full Story @ TsismosoStunning July 2012 Magazine Covers feat. Iza Calzado, Erich Gonzales and Angel Locsin
Kapamilya Dramatic Actress Iza Calzado graces the cover of Rogue Magazine’s July 2012 edition. It’s the 5th anniversary issue of the magazine which features the “reconstruction” of their latest cover girl Iza. The cover photo was photographed by Mark Nicdao and I think one of the most stunning cover stints by the lead star of ABS-CBN’s new primetime series “Kapag Puso'y Sinugatan”.
Erika Chryselle Gonzales Gancayco known as Erich Gonzales talks about her diva reputation and working with her latest leading man Mario Maurer in the “BIG DEAL” issue of MEG Magazine (July 2012). For the fans of Erich, don’t miss to grab a copy of this latest magazine cover of your idol. I’ve already saw the BTS photo shoots and I must say Erich graced this cover very well. She’s undeniably very gorgeous young actress!
Young Superstar Angel Locsin is on the cover of Maven Magazine’s June-July 2012 issue. It’s the 1st year anniversary of the ABS-CBN publication for smart, real and sexy women. And what a great to rejoice it’s 1st year by having a fabulous issue with one of today showbiz’ finest on the cover. And Maven did it! Find out why they tagged Angel as their “Ultimate Maven”.
The July 2012 issue of Rogue, MEG and Maven Magazine are now available at all magazine stands and selected bookstores and supermarkets nationwide. Be sure to grab a copy! By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer
2012 Most Popular Pinay Actress on the Web (Update) – Last 5 Days to Vote
Currently on 2nd place is Walang Hanggan star Julia Montes. So far she’s the no.1 highest vote-getter among Kapamilya stars in the Final 15. Followed by Primetime Princess Kim Chiu. Completing the Top 5 are Erich Gonzales and Angel Locsin.
2012 Most Popular Pinay Actress on the Web
As of July 10 (Tuesday), 11:30 a.m. (votes on Facebook)
Marian Rivera - 7019
Julia Montes - 3300
Kim Chiu - 1833
Erich Gonzales - 1519
Angel Locsin - 1355
Kathryn Bernardo - 1273
Anne Curtis - 1149
Sarah Geronimo - 1146
Jennylyn Mercado - 937
Maja Salvador - 908
Toni Gonzaga - 886
Julie Ann San Jose - 798
Melai Cantiveros - 574
KC Concepcion - 523
Bea Alonzo – 387
Note: The web votes will be added on Thursday, July 12. Check out the Final Web Votes HERE
HOW TO CAST YOUR VOTE?
1. Go to our Official Pinoybizsurfer Facebook Page and click the “LIKE” button. If you already “LIKE” our Page, proceed to the next step.
2. After you LIKE our page, you can now proceed to the “Photos” section and click the album “2012 Most Popular Pinay Actress on the Web – The Final 15”.
3. To vote, just choose the image of your liked female celebrities and click on the word “LIKE” located below of the image. And presto! Your vote/s IN!
Reminder: To make sure your votes will be counted on July 15 (end of voting), you must be a fan of our Facebook Page. This is very important matter in case Facebook change the system of their security.
photo credit: Karimadon (Marian), Star Cinema (Erich), MEG (Julia & Kim) By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer
John Arcilla, pinahanga ang Bourne Legacy casts
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si John Arcilla na kasama siya sa Hollywood action movie na The Bourne Legacy kung saan hinangaan siya ng kaniyang mga co-stars. Kitang-kita sa mukha ni John ang kasiyahan sa tuwing nababanggit niya ang kaniyang mga naging karanasan sa naturang pelikula. Nagkaroon ng pagkakataon si John Arcilla na makasama ang mga bida na sina Jeremy Renner at Rachel Weisz sa ilan nitong mga eksena. Excited na ang batikang aktor na mapanood ang The Bourne Legacy dahil nakakabilib daw na makikita niya sa isang Hollywood film ang kaniyang bansa at sarili. Napahanga rin si John sa eksena ng habulan ng motor na nagsimula sa Ramon Magsaysay Boulevard at natapos sa Navotas Fish Port. Aniya, ngayon lamang siya nakakita ng ganung eksena kung kaya napabilib talaga siya ng Bourne franchise.
Bukod sa pagkakasali ni John Arcilla sa international project na ito ay ipinagmalaki niya rin ang bansang Pilipinas kung saan kinunan ang karamihan sa mga eksena. Ngayon lang ulit nagkaroon ng mainstream na pelikula kung saan nagkaroon ng mahabang exposure ang Metro Manila. Napahanga rin si John sa Manila dahil hindi siya makapaniwala na magiging maganda ang kinalabasan nito. Gusto rin daw ipaalam ni John Arcilla na ang mga kinunan na eksena sa The Bourne Legacy kung saan nakikita ang mga mahihirap na lugar ay hindi nakakatakot. Pinakita rin sa pelikula ang Palawan kung kaya makikita ng marami ang dalawang parte ng bansa.
Sa ending umano ng pelikula ay ipinakita ang kagandahan ng bansa kung kaya nabawi ang mga ipinakitang mahihirap na bahagi ng Manila. Isang paraiso para kya John Arcilla ang ipinakita sa pelikula kung kaya ipinagmamalaki niya ang ating bansa. Gumanap bilang chief security guard ang aktor sa laboratory na pinagtatrabahuan ng karakter ni Rachel. Halos 12 oras ang naging eksena ni John sa The Bourne Legacy at hindi naman siya nabigo dahil magandang impresyon ang iniwan niya sa co-stars at direktor na si Tony Gilroy.
Kahit naging maikli lamang ang partisipasyon ni John Arcilla ay naniniwala pa rin siya sa kasabihang, “there is no small role, only small actors”, kung saan sinabayan niya ito ng tawa. Sa konting oras na nagtrabaho ang aktor sa pelikula ay nakilala niya ang mga Hollywood stars hindi bilang isang artista kundi bilang isang tao. Wala rin daw siyang nakitang star complex sa mga ito kahit pa alam nila na may malaki silang pangalan sa industriya. Alam naman ni John Arcilla na may senseridad ang ipinarating sa kaniya ng direktor at iba pang kasama kung kaya hindi niya ito makakalimutan.
Napag-usapan din ng aktor at ng Hollywood actress ang patungkol sa mga mahihirap sa bansa. Hindi sanay ang artista sa ganitong scenario dahil hindi niya ito madalas makita sa kaniyang bansa. Ayon kay John, ginagawan naman daw ng paraan ng gobyerno ang ganitong aspeto sa pmamagitan ng paglaban sa korapsyon. Nakita ni John Arcilla sa aktres na  nag-aalala ito sa mga mahihirap na kaniyang nakasalamuha. Nagbigay pa ang The Bourne Legacy star ng pera lang mapaayos ang playground sa San Andres, Manila. Natuwa naman ang aktor kay Jeremy dahil makwela raw ito kapag walang shoot.