Friday, 13 July 2012

Stunning July 2012 Magazine Covers feat. Iza Calzado, Erich Gonzales and Angel Locsin

An eye-catching Kapamilya leading ladies grace the covers of several of the country’s top magazines this month of July.

Kapamilya Dramatic Actress Iza Calzado graces the cover of Rogue Magazine’s July 2012 edition. It’s the 5th anniversary issue of the magazine which features the “reconstruction” of their latest cover girl Iza. The cover photo was photographed by Mark Nicdao and I think one of the most stunning cover stints by the lead star of ABS-CBN’s new primetime series “Kapag Puso'y Sinugatan”.

Erika Chryselle Gonzales Gancayco known as Erich Gonzales talks about her diva reputation and working with her latest leading man Mario Maurer in the “BIG DEAL” issue of MEG Magazine (July 2012). For the fans of Erich, don’t miss to grab a copy of this latest magazine cover of your idol. I’ve already saw the BTS photo shoots and I must say Erich graced this cover very well. She’s undeniably very gorgeous young actress!

Young Superstar Angel Locsin is on the cover of Maven Magazine’s June-July 2012 issue. It’s the 1st year anniversary of the ABS-CBN publication for smart, real and sexy women. And what a great to rejoice it’s 1st year by having a fabulous issue with one of today showbiz’ finest on the cover. And Maven did it! Find out why they tagged Angel as their “Ultimate Maven”.
  The July 2012 issue of Rogue, MEG and Maven Magazine are now available at all magazine stands and selected bookstores and supermarkets nationwide. Be sure to grab a copy! By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

2012 Most Popular Pinay Actress on the Web (Update) – Last 5 Days to Vote

5 days left before we announce this year’s Most Popular Pinay Actress on the Web, Primetime Queen Marian Rivera still unbeatable!
 
Currently on 2nd place is Walang Hanggan star Julia Montes. So far she’s the no.1 highest vote-getter among Kapamilya stars in the Final 15. Followed by Primetime Princess Kim Chiu. Completing the Top 5 are Erich Gonzales and Angel Locsin.

2012 Most Popular Pinay Actress on the Web
As of July 10 (Tuesday), 11:30 a.m. (votes on Facebook)

Marian Rivera - 7019
Julia Montes - 3300
Kim Chiu - 1833
Erich Gonzales - 1519
Angel Locsin - 1355
Kathryn Bernardo - 1273
Anne Curtis - 1149
Sarah Geronimo - 1146
Jennylyn Mercado - 937
Maja Salvador - 908
Toni Gonzaga - 886
Julie Ann San Jose - 798
Melai Cantiveros - 574
KC Concepcion - 523
Bea Alonzo – 387

Note: The web votes will be added on Thursday, July 12. Check out the Final Web Votes HERE

HOW TO CAST YOUR VOTE?

1. Go to our Official Pinoybizsurfer Facebook Page and click the “LIKE” button. If you already “LIKE” our Page, proceed to the next step.

2. After you LIKE our page, you can now proceed to the “Photos” section and click the album “2012 Most Popular Pinay Actress on the Web – The Final 15”.

3. To vote, just choose the image of your liked female celebrities and click on the word “LIKE” located below of the image. And presto! Your vote/s IN!

Reminder: To make sure your votes will be counted on July 15 (end of voting), you must be a fan of our Facebook Page. This is very important matter in case Facebook change the system of their security.
photo credit: Karimadon (Marian), Star Cinema (Erich), MEG (Julia & Kim) By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

Zsa Zsa Padilla, nagpasalamat sa mga nagmamahal kay Dolphy

Malaki ang pasasalamat ni Zsa Zsa Padilla sa lahat ng mga taong sumuporta at nagmahal sa kaniyang lontime partner na si Dolphy. Noong July 10 ay tuluyan nang namaalam si Dolphy matapos nitong makipaglaban ng halos apat na taon sa kaniyang sakit na COPD. Matapos ang makapagdamdaming eulogy ni Zsa Zsa sa partner ng halos 23 taon sa Dolphy Theater ay nagpaunlak din ito ng isang panayam sa Heritage Memorial Park kung saan kasalukuyang nakaratay ang mga labi ng komedyante. Inamin ni Zsa Zsa Padilla na ang dalawa nilang anak ni Dolphy na sina Nicole at Zia ay nahihirapan pa rin tanggapin ang pagkawala ng ama. Ang panganay nila ay nakabase sa Australia at doon na nagtatrabaho kung kaya didiretso na ito doon matapos ilibing ang kaniyang ama. Si Zia naman ay sobrang ring nahirapan dahil dalawang taong nakasentro ang kanilang schedule sa kalagayan ni Dolphy.

Simula nang malaman nila ang sakit ni Dolphy ay lagi na silang nag-aalala sa ama ng tahanan lalo na at kapag wala sila sa tabi nito. Kapag nagbabakasyon umano sina Zsa Zsa Padilla ay madalas nilang isipin kung kailangan na nilang bumalik dahil sa kalagayan ni Dolphy. Naaawa raw kasi sila kapag naiiwan ito at nagbabakasyon ang mag-ina. Nakakapanibago na rin daw dahil hindi na nila ito iisipin ngayong wala na si Dolphy na kanilang lubusang ikinalungkot.

Hindi naman kaila sa lahat na kitang-kita sa singer na hirap na hirap din siya sa pagkawala ng katuwang niya sa buhay. Hindi pa raw kayang tanggapin ang ideyang wala na talaga si Dolphy. Bago pa pumanaw ang partner ay humingi na raw siya ng tulong sa mga kamag-anak na suportahan siya kung ano man ang pwedeng mangyari sa kaniya kapag dumating na ang kanilang kinakatakutan. Marami na raw kasi ang mga kaibigan ni Zsa Zsa Padilla ang nagsabi sa kaniyang lalo pang magiging mahirap ang sitwasyon  habang ito ay tumatagal.

Hindi niya rin alam kung makakabangon pa siya sa kaniyang higaan ngayong hindi niya na kasama si Dolphy. Kahit noong nasa ospital si Dolphy ay humingi na raw ng tulong si Zsa Zsa sa kaniyang ate dahil alam nilang hindi na rin tatagal ang buhay nito dahil sa sakit. Noong mga panahong hindi natuloy ang kasal ni Zsa Zsa Padilla at Dolphy ay inamin niya na dumaan siya sa depresyon kung kaya malaki ang kaniyang ipinayat noong ika-40 niyang kaarawan. Hindi niya rin itinanggi na nawalan siya ng gana sa buhay kung kaya natatakot siya na maulit mulit ito ngayong pumanaw na si Dolphy.

Ikinuwento rin ni Zsa Zsa noong nakalipas na isang linggo ay bumalik na sila sa kani-kanilang trabaho kasama ang mga anak ni Dolphy. Madalas din daw niyang kinukulit si Dolphy sa mga panahong iyon at natuwa siya nang mag I love you ang komedyante sa kaniya kahit wala itong boses. Hanggang ngayon ay kinakausap pa rin umano ni Zsa Zsa Padilla si Dolphy kahit wala na ito. Sapat na raw para sa singer na malaman na binabantayan ni Dolphy ang kaniyang pamilya.

 

Full Story @ Tsismoso

Eula Valdez, ayaw pakasalan ang boyfriend

Aminado ang aktres na si Eula Valdez na hindi pa siya handang magpakasal sa kaniyang nobyo na si Rocky Salumbides. Itinanggi rin ni Eula na muli siyang lalabas sa isang sexy male magazine at iginiit na sapat na raw ang paglabas niya noon dito noong isang taon. Hindi naman daw siya pinagbabawalan ni Rocky ngunit hindi umano ito ang tipo na pinangangalandakan ang nobya sa harap ng marami. Alam ni Eula Valdez na hindi rin gusto ni Rocky Salumbides na mangyari ito dahil medyo makaluma raw ang kaniyang nobyo. Ayaw rin umano ng binata na may tumitingin sa kaniyang nobya sa tuwing sila ay magkasama.

Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na supportive si Rocky sa kaniyang 43-taong-gulang na girlfriend. Noong nakaraang taon ay sinamahan pa umano ni Rocky Salumbides ang nobyang si Eula Valdez nang ito ay mag-pose  para sa isang male magazine na ikinagulat naman ng marami. Hindi lang talaga kumportable ang model na maraming lalakeng pumapalibot sa kaniyang nobya. Hindi naman pumasok si Rocky noon sa pictorial ni Eula dahil ayaw daw nito makita ang reaksyon ng mga tao. Alam naman daw ni Rocky Salumbides kung ano ang iisipin ng mga lalaki sa mga oras na iyon sa kaniyang nobyang si Eula Valdez kung kaya umiwas na ito.

Hindi naman daw pinagbawalan ang aktres dahil naiintindihan naman ni Rocky ang kaniyang ginawa. Proud din umano ito kay Eula dahil alam niyang may maipapakita naman daw talaga ito sa mga tao na pwedeng ipagmalaki. Masaya namang ibinahagi ni Eula Valdez na ang kanilang pagsasama ng binatang si Rocky Salumbides ay tumagal na ng halos apat na taon. Habang tumatagal umano ay lalo pang tumitibay ang kanilang magandang samahan. Matured na rin umano si Rocky para sa kaniyang edad at isang mahusay na father material para dalawang anak ni Eula. Natural na raw ang pagiging maalaga ni Rocky Salumbides maging sa kaniyang sariling pamilya at sa mga anak ni Eula Valdez.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin annulled ang kasal ni Eula sa dating asawa nito. Bagamat ipinapakita rin naman ni Rocky ang kaniyang pagkagusto na bumuo na ng sarili nilang pamilya ay hindi pa raw handang ayusin ng aktres ang partikular na parte ng kaniyang buhay na ito. Wala naman daw problema ang relasyon nina Eula Valdez at Rocky Salumbides kung kaya minabuti na nilang manatili na lamang sa kasalukuyang estado. Maaaring pag binusisi pa umano ito nina Eula at Rocky ay magkaroon pa ng malaking problema.

Kasal pa si Eula Valdez sa ama ng kaniyang pangalawang anak na si Richard Litonjua na nakasama niya ng ilang taon. Wala raw talagang planong humingi ng annulment si Eula Valdez mula sa kaniya para na rin sa kapakanan ng kaniyang mga anak. Sigurado raw kasi na makakaapekto ito sa kaniyang dalawang anak na may edad na pito at 17 taong gulang. Wala naman problema kay Rocky Salumbides ang ganitong usapin dahil masaya na rin daw sila sa kanilang relasyon.

Full Story @ Tsismoso

Ronnie Quizon, nagbigay ng announcement sa pagpanaw ni Dolphy

Nagbigay si Ronnie Quizon ng pasasalamat na mensahe at announcement ng schedule para sa public viewing ng mga labi ni Dolphy sa Facebook group na Independent Cinema Aritists of the Philippines. Si Ronnie ang anak ni Dolphy sa dating aktres na si Baby Smith. Kaptid si Ronnie Quizon ng mga aktor na sina Eric at Epy. Noong July 10 ng gabi ay pumanaw na nga si Dolphy dahil sa mga komplikasyon sa katawan at paghina ng kaniyang kidney at iba pang organs.

Nagpaumanhin din si Ronnie sa lahat ng mga taong kumu-contact sa kaniya simula nang pumanaw si Dolphy.

Naging abala sina Ronnie Quizon at iba niya pang mga kapamilya sa pag-asikaso ng burol at libing ng kanilang namayapang ama. Nangako naman si Ronnie na babalikan ang mga tumawag at nagte-text sa kaniya kapag nagkaroon na siya ng bakanteng oras. Sa mga gustong magbigay ng huling respeto kay Dolphy ay nagbigay ng ilang request si Ronnie para sa mga ito. Sa mga bibisita umano sa burol ay gusto ng pamilya na magsuot ang mga tao ng puting damit dahil ito umano ang paboritong kulay ni Dolphy. Nais din nina Ronnie Quizon na mag-donate na lang ang mga tagahanga sa DOLPHY AID Para Sa Pinoy Foundation imbes na magpadala ng bulaklak. Mas gusto raw kasi ni Dolphy na matulungan pa ang ibang mga kababayang Pilipino.

Dito rin inilagay ni Ronnie Quizon ang schedule kung kailan makikita ang labi ni Dolphy sa ABS-CBN. Simula ala-una ng hapon ay bubuksan ang Dolphy Theater para sa mga empleyado ng network na gustong makita ang labi ng komedyante. Matapos nito ay bubuksan ito sa publiko sa alas-nuwebe ng gabi. Matapos nito ay ibabalik na nina Ronnie ang labi ni Dolphy sa Heritage Park. Sa araw ng July 12 ay binubuksan ang mga pinto para sa mga TV5 employees iba pang Kapatid stars kasama ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak. Dagdag ni Ronnie Quizon, wala pa silang napapagkasunduan ng GMA-7 kung kaya maghintay na lamang umano sa iba pang announcement.

Sa darating na July 13 at 14 ay muling bubuksan ang pinto para sa publiko simula 8:00 am – 3:00 pm. Matapos nito ay ibibigay na naman ang oras na ito sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan ni Dolphy. Kinakailangan din daw makipag-usap ang mga bibisitang kaibigan sa mga kapamilya nina Ronnie Quizon para magkaroon ng clearance. Sa darating na Linggo, July 15 ang magiging libing ni Dolphy ngunit wala pa itong pinal na announcement.

Mariing sinabihan ni Ronnie na iwasan ang pagdala ng camera dahil hindi sila mag-aatubili na kunin ito o paalisin ang mga taong kukuha ng litrato o video ng kanilang ama. Pipilitin naman daw ni Ronnie Quizon na asikasukhin ang mga taong gustong gumawa ng arrangements sa pamilya ni Dolphy. Sa huling mensahe ng binata ay ipinaabot niya na gusto ng amang si Dolphy na ngumiti ang mga tao sa tuwing maaalala nila ang Hari ng Komedya. Aniya, ito raw ang gusto ni Dolphy dahil nakakapagpasaya rin daw ito sa kaniya kahit pa siya ay nasa kabilang buhay na. Inilagay rin ni Ronnie Quizon ang isang linya ng paboritong kanta ni Dolphy mula kay Charlie Chaplin na , “You’ll find that life is still worthwhile, if you just smile. “

Full Story @ Tsismoso

Jolina Magdangal, nalungkot sa pagpanaw ni Dolphy

Aminado si Jolina Magdangal na nainis siya nang unang lumabas sa Twitter ang pagkamatay ng Hari ng Komedya na si Dolphy noong gabi ng July 10. Hindi naman daw pinaniwalaan ni Jolina ang mga lumabas na balita sa Twitter dahil wala raw kasiguraduhan ang kaniyang mga source. Matatandaang nagkagulo ang mga tao sa Twitter nang una ritong lumabas ang balitang wala na nga si Dolphy. Tinext naman agad ni Jolina Magdangal ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon patungkol dito ngunit hindi umano nito sinasagot ang kaniyang mga mensahe. Sunod ay tinawagan ng singer-actress ang kaibigang si Karylle pero hindi raw ito sigurado sa mga nangyari.

Hindi na napigilan ni Jolina ang kaniyang emosyon nang sabihin ni Eric na mas masaya na ang langit ngayong nandoon na si Dolphy. Alam ni Jolina Magdangal na mas masakit pa ang nararamdaman ng mga kamag-anak ng kaniyang Tatay Dolphy sa nangyari ngunit isa na rin itong paraan para makapagpahinga na mula sa sakit at hirap ang komedyante. Nagkaroon ang aktres ng pagkakataon na makatrabaho si Dolphy sa kanilang pelikula na Home Alone Da Riber na naging entry pa sa Metro Manila Film Festival noong  2002.

Ikinuwento ni Jolina kung paano siya kinabahan noong una niyang malaman na si Dolphy ang kaniyang makakatrabaho ngunit hindi nagtagal ay lalo pa raw tumaas ang kaniyang pagtingin sa kaniyang idolo. Lagi umanong ipagmamalaki ni Jolina Magdangal na nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho si Dolphy. Nag-iisa lamang ang Hari ng Komedya kung kaya isang malaking kayamanan ang karanasan na pinagsaluhan nilang dalawa. Nasaksihan niya rin umano kung paano ipinakita ni Dolphy  ang kaniyang pagiging propesyonal na artista kahit pa isa na siyang beteranong aktor.

Minsan daw ay nauuna pa si Dolphy sa call time nito kahit na matagal pa ang kaniyang mga eksena. Marami rin daw natutnan si Jolina Magdangal sa mga kuwentong ibinahagi sa kaniya ng Comedy King. Itinuturing din niyang mentor si Dolphy sa kaniyang naging pagiging artista sa industriya.

Nais ni Jolina Magdangal na manatili sa kaniya ang magagandang alaala na iniwan ni Dolphy noong sila ay sandaling nagkasama sa trabaho. Bagamat isang pelikula lamang ang pinagsamahan nila noon ni Dolphy ay masakit pa rin para kay Jolina ang kasalukuyang balita. Iniwasan din pumunta noon ni Jolina sa ospital dahil ayaw niyang makita ang kalagayan ni Dolphy na maraming tubo na nakakabit sa kaniyang katawan. Nais rin iparating ni Jolina Magdangal ang kaniyang pakikiramay sa mga pamilyang naiwan ng kaniyang idolo na si Dolphy. 

 

 

Full Story @ Tsismoso

Eric Quizon, nagpasalamat sa mga tribute para kay Dolphy

Nagpapasalamat si Eric Quizon sa mga nagmamahal sa amang si Dolphy dahil sa mga magagandang tribute na ibinigay sa kaniya. Ang tatlong malalaking network ay pinasalamatan din ni Eric dahil bagamat isang kilalang Kapamilya o ABS-CBN talent si Dolphy ay hindi ito naging hadlang para pasalamatan nila at bigyan ng magandang pagkilala ang Hari ng Komedya. Simula nang magkasakit si Dolph ay walang tigil na rin ang pagbigay ng interview ni Eric Quizon sa iba’t-ibang istasyon. Kahit daw sa labas ng Makati Medical Center kung saan na-confine si Dolphy ay nakikita niya ang pagkakaisa ng mga network para tulungan silang ipaalam sa mga tao ang kalagayan ng kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa.

Walang-sawang nagpasalamat si Eric sa mga taong nagbigay ng panalangin sa kalusugan ni Dolphy dahil nabigyan daw sila ng pagkakataon na makasama pa nang sandali ang kanilang ama kahit pa hirap na hirap na ito sa kaniyang kalagayan. Dito rin nakita ng pamilya ni Dolphy kung gaano kalaki ang impluwensya ng ama sa  mga Pilipino. Inamin ni Eric Quizon na dito nila nalaman ng mga magkakapatid kung gaano kaimportante at kamahal si Dolphy ng kaniyang mga taong pinasaya. Ikinatuwa rin nila ang pinakitang pagbubuklod at pagkakaisa para sa Comedy King.

Maging ang mga kilalang TV network sa bansa ay nagkaisa rin dahil sa impluwensya ni Dolphy. Maging ang print at online media ay nagbigay din ng pugay sa namayapang ama ni Eeric Quizon. Sa ginanap na necrological service sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ay marami ang nakapansin sa iba’t-ibang representative ng halos lahat ng media na nasa loob ng teatro. Minsan lang umano ito mangyari lalo pa at sa loob pa mismo ng Kapamilya station ito naganap na dinaluhan ng iba’t-ibang Kapamilya stars na nakasama ni Dolphy sa kaniyang pamamalagi rito. Masaya si Eric dahil pinayagan ng ABS-CBN executives na pumasok ang kanilang mga kakumpetensya sa naturang kaganapan.

Umaasa si Eric Quizon na maulit pa raw ito kapag natuloy ang kanilang binabalak na malaking tribute para sa kaniyang amang si Dolphy. Nakausap raw kasi nito ang mga executives ng ABS-CBN at may plano sila gumawa ng isang kakaibang tribute sa namayapang komedyante. Magiging posible umano ito kapag pinagsama na ang lahat ng mga nagawang programa at pelikula ng kaniyang ama. Ayon kay Eric, kinakailangan umano ang lahat ng networks dito dahil may ibang properties na pampelikula ang ama na pag-aari ng iba pang media outfit. Ang pagsasamang at pagkakaisang katulad nito ay iniaalay nila kay Dolphy.

Halos apat na dekadang naging talent si Dolphy ng ABS-CBN kung saan nagkaroon siya ng kaniyang kauna-unahang TV show na Buhay Artista. Taong 2005 ay lumipat naman ito sa TV5 kung saan gumawa ng sitcom na Pidol’s Wonderland ayon kay Eric. Nakasama rin si Dolphy sa pelikulang Rosario na pelikula ng Kapatid network. Nakatrabaho naman ni Dolphy ang ilang artista ng Kapuso network partikular na si Vic Sotto. Ito ang inaabangan ni Eric Quizon dahil alam niyang matutuwa ang ama sa mga planong ito.

Full Story @ Tsismoso

Dolphy, nominado bilang National Artist

Kinumpirma mismo ng Malacañang na kasama na ang namayapang Comedy King na si Dolphy sa listahan ng mga nominado para sa karangalan bilang isang National Artist. Namayapa si Dolphy noong July 10 dahil sa kumplikasyon ng sakit nitong COPD o Chronic Obstructive Pulmonary Disease. Titingnan naman kung makakapasa si Dolphy sa screening na isasagawa ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA. Matagal nang isyu ang pagbibigay ng karangalan bilang National Artist kay Dolphy ngunit hindi ito naibigay sa kaniya noong siya ay nabubuhay pa. Para sa pamilya ni Dolphy, hindi na nila iniisip ang naturang parangal dahil mas mahalaga umano ang ibinigay na saya ng kokmedyante sa mga Pilipino.

Binigyan na rin ng clearance ang NCAA ng Office of the Solicitor General para ipagpatuloy ang screening ng mga nominado para sa National Artist ng taong 2012. Iniwasan naman ng Palasyo na magbigay pa ng ibang impormasyon dahil ayaw naman umano nilang maimpluwensiyahan ang desisyon ng NCCA. Hindi naman kaila sa mga tao na mataas ang tingin ng Pangulo ng bansa kay Dolphy pero iniiwasan lamang nila na maapektuhan ang pagdedesisyon sa pagbibigay ng National Artist award sa namayapang aktor.

Ayon sa batas ng bansa, isang beses lamang sa tatlong taon maaaring magbigay ng parangal na National Artist. Noong 2009 ay lumabas na ang pangalan ni Dolphy sa nominasyon bilang National Artist ngunit hindi umano ito nakapasa sa mga ginawang screening. Kinumpirma naman ni Cecile Guidote-Alvarez sa isang panayam na may isang dating opisyal ng Cultural Center of the Philippines ang pumigil sa nominasyon noon ng Comedy King na si Dolphy. Ang tinutukoy umano niya ay ang dating presidente ng CCP na si Dr. Nicanor Tiongson, isang film professor sa University of the Philippines. Maging ang chairman noon ng  Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay pinigilan din umano ang nominasyon ni Dolphy sa pagiging National Artist.

Pinigilan umano ito dahil gumanap si Dolphy sa ilan niyang mga pelikula bilang isang bakla. Ipinaliwanag naman ni Dr. Nicanor ang mga nabanggit ni Cecile dahil hindi raw maaaring maimpluwensiyahan ng isang tao ang iba pang miyembro ng screening process sa pagiging National Artist ng mga nominado. Naging misleading daw ang sinabi nito patungkol sa pagkatanggal ng pangalan ni Dolphy. Aniya taong 2009 pa isinagawa ang screening na ito at wala umano siyang personal na galit kay Dolphy dahil isa  umano itong mabuting tao. Pinaliwanag niya na bilang bahagi ng committee ay ibinahagi niya lamang ang kaniyang opinyon sa mga pelikulang ginawa ni Dolphy.

Sa mga naging panayam kay Dolphy noon patungkol sa National Artist award ay hindi niya itinanggi na gusto niyang makatanggap nito habang siya ay nabubuhay pa. Nilinaw ni Dolphy na kung sakaling hindi naman siya mabigyan ay hindi naman ito ikasasama ng kaniyang loob. Ayon sa anak ni Dolphy na si Ronnie Quizon, ang pagmamahal at pagrespeto na ipinakita ng bansa sa kaniyang ama noong ito ay nabubuhay pa at ngayong ngang pumanaw na ay mas higit pa umano sa isang mataas na parangal katulad ng pagiging National Artist. 

Full Story @ Tsismoso

Popular Posts