Wednesday 1 August 2012

Daniel Padilla, basted kay Kathryn Bernardo?

Full Story @ Tsismoso

Aljur Abrenica, Kris Bernal balik na ang tambalan

Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ng tambalan ng binatang si Aljur Abrenica at aktres na si Kris Bernal sa pamamagitan ng bagong primetime series ng Kapuso network. Inaayos na raw ang mga detalye para makapagsimula na ng taping sina Aljur at Kris. Hindi naman daw makapaghintay si Aljur Abrenica na ibahagi ito sa kanilang mga tagahanga ni Kris Bernal pero natatakot daw siya na maudlot ito. Sinugardo pa rin naman niya na matutuloy pa rin ito tulad ng kanilang mga napag-usapan. Ito raw ay inaalaya nila para sa mga lahat ng taong nakamiss ng Al-Kris loveteam.

Noong taong 2011 ang huling naging proyekto nina Aljur at Kris sa seryeng Machete. Aminado naman ang binata na maninibago siya dahil iba na sila pareho ngayon ng dalaga pagdating sa trabaho. Madalas na magkasama noon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal kung kaya alam na nila ang nangyayari sa buhay ng isa’t-isa. Para na raw magkapatid ang turingan ng dalawa noon dahil madalas silang magkadikit. Ngayong lang ulit nagkaroon ng pagkakataon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal na magkasama matapos magkaroon ng magkahiwalay na proyekto.

Kinumpirma rin ng binata na marami na rin ang nanligaw kay Kris at hindi raw niya kilala ang ilan dito. Noon daw ay alam lahat ni Aljur ang mga lalakeng nauugnay sa kaniyang kaibigan. Bagamat marami na ang nangyari sa mga buhay nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ay sigurado naman daw ang binata na hindi sila mahihirapan sa kanilang muling pagsasama sa trabaho. Oras lamang daw ang kailangan ng dalawa para unti-unting maibalik ang dati nilang pinagsamahan.

Mas matured na Aljur at Kris na raw ang makikita ng publiko ngayon dahil sa kanilang mga karakter na gagampanan nilang dalawa. Mas mahirap na rin daw ngayon lalo na ang magiging karakter ni Kris Bernal. Naniniwala naman si Aljur Abrenica na kahit anong ibigay na trabaho sa dalaga ay makakaya nitong gawin at siguradong paninindigan ng aktres. Malaking pagsubok din umano ang bagong trabaho ni Aljur at Kris pero pinpigilan pa ng binata na ibulgar kung ano ito para masurpresa ang kanilang mga tagahanga.

Parehong nauugnay ngayon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa iba’t-ibang mga artista. Kamakailan lang ay inamin ng dalagang si Kris na nagpaalam sa kaniyang manligaw ang binatang si Carl Guevarra. Samantalang si Aljur naman ay nauugnay sa singer na si Rachelle Ann Go. Gusto naman daw kilalanina ni Kris Bernal ang kaniyang manliligaw dahil ayaw nito magmadali pagdating sa isang relasyon.  Ayon naman kay Aljur Abrenica, nabigyan lamang ng kulay ang samahan nila ng dalagang singer nang sila ay magkasama sa isang concert sa Amerika.

Full Story @ Tsismoso

Zsa Zsa Padilla, balik trabaho matapos ang libing ni Dolphy

Ilang buwang hindi nakapagtrabaho si Zsa Zsa Padilla simula nang maospital si Dolphy hanggang ito ay tuluyan nang pumanaw noong July 10. Ilang linggo matapos ang libing ni Dolphy ay bumalik na ang Divine Diva sa kaniyang trabaho sa pelikula at sa kaniyang variety show. Sa darating na Linggo ay makikita na si Zsa Zsa sa ASAP kasama ang kanilang anak ni Dolphy na si Zia Quizon. Kasalukuyan ding nagtatrabaho si Zsa Zsa Padilla sa kaniyang bagong pelikula kung saan makakapareha niya ang singer na si Gary Valenciano sa pelikulang I Doo Bidoo.

Sa Twitter account ng singer ay sinabi nito na nagsisimula na siyang humakbang kahit pakonti-konti para lamang bumangon at gawin muli ang kaniyang nakasanayan kahit wala na si Dolphy sa kaniyang tabi. Kailangan daw ni Zsa Zsa Padilla na gawin ang itinadhana sa kaniya kaya buong tapang niya itong haharapin. Balik na rin siyang gym na hindi niya raw nagawa noong nasa ospital si Dolphy at nakikipaglaban sa kaniyang sakit dahil naging abala sila sa kondisyon nito na naging kritikal.

Aminado rin si Zsa Zsa na araw-araw siyang umiiyak simula nang mawala si Dolphy pero pinipilit niya pa ring tumawa para mapalitan lamang ang kaniyang lungkot. Marami ang napabilib sa lakas ng loob ni Zsa Zsa Padilla dahil hindi ito bumitiw sa kanilang 23 taong pagsasama ng partner na si Dolphy. Noong nakaraang July 25 ay hindi nakapunta si Zsa Zsa sa puntod ni Dolphy kung saan dinaluhan ito ng mga anak ng Comedy King. Masama raw ang pakiramdam nito at namamanhid ang paa.

Ayon sa mga kasamahan ni Zsa Zsa  sa trabaho ay nakikita naman nila na sinusubukan nitong huwag malungkot kung kaya nililibang din nila ito. Lumabas din ang balitang nagpakita si Dolphy sa partner nang makita ito ni Zsa Zsa sa kanilang cctv camera. Kahit pa may bahid pa rin ng kalungkutan a iniisip na lamang ng singer na sa bawat sulok ng kanilang tahanan ay naging bahagi nito si Dolphy. Maging ang mga anak ni Dolphy ay handa na rin daw mag-move on sa mga nangyari dahil alam nilang nasa mabuting kalagayan na ang kanilang ama. Katulad ni Zsa Zsa Padilla ay humiling din ang marami sa kanila na magparamdam ang ama kahit sa panaginip dahil miss na miss na raw nila ito.

Full Story @ Tsismoso

Kim Chiu, umikot ang mundo kay Gerald Anderson

Nanatiling magkaibigan sina Kim Chiu at Gerald Anderson kahit pa nabahiran ng intriga ang kanilang paghihiwalay noon. Anim na taon na ang nakakaraan nang lumabas ng Pinoy Big Brother House si Kim at idineklarang kauna-unahang Big Winner sa naturang reality show. Dito rin sila nagkakilala ng binatang si Gerald at sinasabing naging simula ng kanilang espesyal na samahan. Inamin din ni Kim Chiu na halos umikot kay Gerald Anderson ang kaniyang buhay noong sila ay magkarelasyon pa lamang. Nagsimula sa pagiging matalik na pagkakaibigan ang relasyon ng dalawa hanggang nauwi ito sa isang relasyon bilang magkasintahan. Madalas silang magkasama at magkatrabaho kung kaya ang Kimerald tandem ay naging parte na ng buhay ng kanilang mga tagahanga.

Hindi itinanggi ni Kim Chiu na sobra sobra ang naramdaman niyang pagmamahal noon kay Gerald Anderson pero wala naman daw siyang pinagsisisihan dito dahil nagawa niya naman ang lahat. Ilang taon din na ibinahagi ni Kim at Gerald ang kanilang personal na buhay sa mga tao kung kaya nang maghiwalay sila ay pinagkaguluhan din ito ng publiko. Hindi raw noon alam ng dalaga kung paano aayusin ang kanilang naging problema ni Gerald dahil malaking bagay ito para sa kaniyang Star Magic family at sa kaniyang mga kaibigan.

Nakaramdam din daw noon ng takot si Kim Chiu dahil baka hindi na siya suportahan ng mga tao dahil wala na si Gerald Anderson sa kaniyang tabi. Simula noong 2006 ay nasanay nang magkaroon ng love team si Kim at halos sa apat na taong ito ay hindi siya bumitaw sa kanilang tambalan ni Gerald. Noong mga panahong iyon ay si Gerald Anderson lamang daw ang malapit na kaibigan ni Kim Chiu sa Manila at wala ng iba. Nagpapasalamat naman ang aktres dahil kahit pa hindi niya na partner si Gerald ay patuloy pa rin ang suporta ng kanilang mga tagahanga.

Maraming natutunan si Kim sa kaniyang karanasang ito kung kaya wala siyang pagsisisi na binigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kanilang relasyon ng binata. Nawala man ang tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson ay binigyan naman ang dalaga ng tatlong leading man sa kaniyang teleserye kung saan nagkaroon ng magandang chemistry sa telebisyon ang kanilang samahan ng binatang si Xian Lim. Napapabalita rin na nililigawan din si Kim ng kaniyang leading man.

 Kasabay nito ay ipinareha rin si Gerald sa ibang mga dalaga kung kaya ilang taon ding nakapagpahinga ang kanilang tambalan ng dating nobya. Masaya naman daw si Kim Chiu sa kinahantungan ng career niya dahil inalagaan naman daw siya ng Star Magic. Masaya rin daw siya ngayon para kay Gerald Anderson na balitang huminto na sa panliligaw kay Sarah Geronimo. Kasalukuyang abala sina Gerald at Kim sa kanilang bagong pelikula na magsisilbing comeback project nila bilang magkatambal matapos ang halos dalawang taon na paghihiwalay.

Full Story @ Tsismoso

,

Kim: Xian her 'closest' male friend

Kim Chiu says onscreen partner Xian Lim remains “consistent” in giving her special attention.

“Si Xian, consistent naman siya. Okay naman, masaya naman kami pag magkasama kami. Yung family ko, sinusuyo naman niya, so nakakatuwa lang yung ganoong feeling,” Kim said in an interview during the Star Magic Games 2012 at the Celebrity Sports Plaza on Sunday, July 29.

Kim admits Xian is her closest male friend.

“Siguro naman, siya ang pinakamalapit na lalaki sa puso ko,” Kim said.

What’s the possibility about her and Xian getting officially together?

"Wala namang (definite date), time will tell. Masaya naman kami, ine-enjoy namin ang isa’t isa.” Kim replied.

Kim also talked about the birthday dinner surprise she and her friends organized for Xian on July 11. Kim thought of the event since Xian is not fond of parties.

“Kaming magbabarkada kasi kasama namin siya sa barkada namin. Kasi magkakaibigan na naman kami nang matagal. So iyon, nag-surprise kami ng birthday dinner sa kanya, kasi hindi siya masyadong nagce-celebrate ng birthday niya," she said.

No comment

Kim has no comment about talks linking former onscreen partner Gerald Anderson with Sarah Geronimo.

“Labas na ako doon, wala na ako doon. Sa kanilang dalawa na lang iyon. Kung ano man ang mayroon sa kanila, hindi na ako kasali doon,” Kim said.

Meanwhile, she is happy about the good feedback and the box-office success of “The Healing,” her movie with Vilma Santos. Kim is also happy the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) gave the film a Grade A mark and classified it as both R-13 and R-18.

“Siyempre, masayang-masaya. And siyempre Gov. Vi (Vilma) and Direk Chito Roño, combine mo iyon, siyempre blockbuster movie na talaga siya. I’m happy and proud na kasali ako sa pelikulang ito, and first Grade A movie ko ito sa buong six years ko sa pagiging artista."

Karen Valeza | Yahoo! Southeast Asia Newsroom

Gerald mum on courtship issue about Sarah

Gerald Anderson took a step back and chose to avoid questions about him and Sarah Geronimo.

In recent blind items, the actor was allegedly discouraged from courting Sarah Geronimo. But Sarah's mother, Mommy Divine denied it.

"Today is a day of celebration. There's always another time for that. Nakakahiya naman sa Star Magic, this is our day to enjoy," Gerald told the media at the Star Magic Games 2012 on Sunday, July 29, when he received the MVP (Most Valuable Player) and the 3-point King awards.

Gerald openly talked about his projects instead.

"Kakalabas lang ng Men's Health (magazine) ko. Yung "El Brujo" with Bangs Garcia, may ilang araw pa kami. So, just to have time with my family naman. Sobrang naging busy rin ako. Kailangan ko rin magbigay ng oras para sa dad ko, sa family ko (Gerald and his brother Ken will meet their father in Egypt)."

Trying times

Gerald added that he appreciates how his family has always been supportive of him, especially in the trying times.

"Lahat naman tayo dumadaan sa pagsubok sa buhay. At the end of the day, our family is the most important. Sobra silang suportado sa lahat ng ginagawa ko. Palagi silang nandiyan."

He shared that they plan to focus on their spiritual grown by visiting the Holy Land.

"Magkalapit lang eh, just to be holy, siyempre gusto mo makita kung saan naglakad si Papa God. Siyempre lahat naman tayo kailangan (ng spiritual growth). Hindi naman araw-araw masaya tayo. Kailangan natin si Papa God at buong pamilya natin."

Karen Valeza | Yahoo! Southeast Asia Newsroom

Daniel Matsunaga, kinalimutan na si Heart Evangelista

Bagamat nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng Brapanese model na si Daniel Matsunaga sa kaniyang nobyang si Heart Evangelista ay hindi naman daw sumama ang kaniyang loob sa dalaga. Masaya nga raw si Daniel dahil nangyari ito sa kaniyang buhay at nakilala si Heart. Napangiti na lamang ang binata nang sabihin sa kaniya na marami ang nag-akala na nawalan na siya ng gana sa showbiz simula nang mag-break sila ng nobya. Ngayong single na si Daniel Matsunaga ay nagkaroon na raw siya ng pagkakataon para maging focus sa kaniyang mga trabaho. Nakapag-move on na rin daw siya kay Heart Evangelista at sinigurado sa kaniyang mga tagahanga na masaya na ang kaniyang puso.

Inamin naman ni Daniel na may komunikasyon pa rin sila kahit papaano ni Heart dahil hindi naman sila magkaaway kahit pa hindi sila nagkatuluyan. Nananatili naman daw ang kanilang pagkakaibigan sa likod ng lahat ng mga nangyari. Kasalukuyan namang single ang status ng binatang si Daniel Matsunaga at walang dinidate matapos ang relasyon nito kay Heart Evangelista. Sinasamantala naman daw ngayon ng modelo na pumunta sa mga workshop kung saan matuturuan siya mag-Tagalog, kumanta at umarte.

Hindi pa rin nawawala ang pagnanais ni Daniel na maging isang Filipino kahit second class lamang. Noong nobya pa ng binata si Heart ay nababanggit nito kung gaano niya ito kagusto dahil mahal na mahal niya umano ang bansa. Kahit pa ngayong wala na sila ng dalaga ay gusto pa rin ng modelong si Daniel Matsunaga na maging tunay na Pinoy dahil wala siyang kahit anong dugo ng pagka-Filipino. Kahit maging residente lamang daw sa Pilipinas ay sapat na para sa dating nobyo ni Heart Evangelista.

May working permit si Daniel sa bansa kung kaya pwede siya magtrabaho rito sa loob ng tatlong taon. Mas maganda pa rin naman daw kung maging residente na siya sa Pilipinas dahil magiging mas madali ito para sa kaniya. Inakala noon ng marami na baka huminto na sa showbiz si Daniel Matsunaga matapos nitong makipag-break kay Heart Evangelista. Matapos kasi ng kanilang hiwalayan ay lumipad agad papuntang Brazil ang binata para raw makapag-isip.

Narito na rin ang ibang kapamilya ni Daniel kabilang na ang kaniyang kapatid na babae na nakapangasawa na ng isang Pilipino. Gusto raw kasi dalhin ni Daniel Matsunaga ang kaniyang pamilya sa bansa dahil na siya namumuhay. Kung papalarin naman daw ang binata sa trabaho at gumanda ang kita ay dito na sila maninirahan ng kaniyang mga kapamilya. Lumabas din ang balitang yayayain na sana noon ng modelo si Heart Evangelista na magpakasal pero naudlot ito sa hindi malamang dahilan.

 

Full Story @ Tsismoso

Stunning July 2012 Magazine Covers feat. Iza Calzado, Erich Gonzales and Angel Locsin

An eye-catching Kapamilya leading ladies grace the covers of several of the country’s top magazines this month of July.

Kapamilya Dramatic Actress Iza Calzado graces the cover of Rogue Magazine’s July 2012 edition. It’s the 5th anniversary issue of the magazine which features the “reconstruction” of their latest cover girl Iza. The cover photo was photographed by Mark Nicdao and I think one of the most stunning cover stints by the lead star of ABS-CBN’s new primetime series “Kapag Puso'y Sinugatan”.

Erika Chryselle Gonzales Gancayco known as Erich Gonzales talks about her diva reputation and working with her latest leading man Mario Maurer in the “BIG DEAL” issue of MEG Magazine (July 2012). For the fans of Erich, don’t miss to grab a copy of this latest magazine cover of your idol. I’ve already saw the BTS photo shoots and I must say Erich graced this cover very well. She’s undeniably very gorgeous young actress!

Young Superstar Angel Locsin is on the cover of Maven Magazine’s June-July 2012 issue. It’s the 1st year anniversary of the ABS-CBN publication for smart, real and sexy women. And what a great to rejoice it’s 1st year by having a fabulous issue with one of today showbiz’ finest on the cover. And Maven did it! Find out why they tagged Angel as their “Ultimate Maven”.
  The July 2012 issue of Rogue, MEG and Maven Magazine are now available at all magazine stands and selected bookstores and supermarkets nationwide. Be sure to grab a copy! By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

2012 Most Popular Pinay Actress on the Web (Update) – Last 5 Days to Vote

5 days left before we announce this year’s Most Popular Pinay Actress on the Web, Primetime Queen Marian Rivera still unbeatable!
 
Currently on 2nd place is Walang Hanggan star Julia Montes. So far she’s the no.1 highest vote-getter among Kapamilya stars in the Final 15. Followed by Primetime Princess Kim Chiu. Completing the Top 5 are Erich Gonzales and Angel Locsin.

2012 Most Popular Pinay Actress on the Web
As of July 10 (Tuesday), 11:30 a.m. (votes on Facebook)

Marian Rivera - 7019
Julia Montes - 3300
Kim Chiu - 1833
Erich Gonzales - 1519
Angel Locsin - 1355
Kathryn Bernardo - 1273
Anne Curtis - 1149
Sarah Geronimo - 1146
Jennylyn Mercado - 937
Maja Salvador - 908
Toni Gonzaga - 886
Julie Ann San Jose - 798
Melai Cantiveros - 574
KC Concepcion - 523
Bea Alonzo – 387

Note: The web votes will be added on Thursday, July 12. Check out the Final Web Votes HERE

HOW TO CAST YOUR VOTE?

1. Go to our Official Pinoybizsurfer Facebook Page and click the “LIKE” button. If you already “LIKE” our Page, proceed to the next step.

2. After you LIKE our page, you can now proceed to the “Photos” section and click the album “2012 Most Popular Pinay Actress on the Web – The Final 15”.

3. To vote, just choose the image of your liked female celebrities and click on the word “LIKE” located below of the image. And presto! Your vote/s IN!

Reminder: To make sure your votes will be counted on July 15 (end of voting), you must be a fan of our Facebook Page. This is very important matter in case Facebook change the system of their security.
photo credit: Karimadon (Marian), Star Cinema (Erich), MEG (Julia & Kim) By Zeaven28 || Full Story: Pinoy Showbiz Surfer

Popular Posts