Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama ang 15 sa pinakasikat na Kapamilya stars at apat na de-kalibreng batang direktor sa bansa upang ihandog sa sambayanan ang.pinaka-star-studded movie event of the year mula sa Star Cinema, ang "24/7 In Love" na 20th anniversary film offering ng Star Magic. Ipalalabas na sa mga sinehan nationwide ang "24/7" sa November 21 (Wednesday).
Sa ilalim ng direksyon nina Mae Cruz, Dado Lumibao, John-D Lazatin, at Frasco Mortiz, tampok sa "24/7 In Love" ang pitong episodes na tungkol sa iba't ibang kwentong pag-ibig na pagbibidahan ng tambalan nina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla, at Xyriel Manabat; Bea Alonzo at Zanjoe Marudo; Sam Milby at Pokwang; Diether Ocampo at Maja Salvador; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Kim Chiu at Gerald Anderson; at Angelica Pangilinan at John Lloyd Cruz.
Ayon kay Direk Mae na siyang may hawak ng episodes ng Bea-Zanjoe, Kimerald, at Kathniel love teams, mistulang Star Magic Ball ang pagka-engrande ng "24/7 In Love."
"It's definitely an event in Philippine cinema to have all these actors together," ani Mae. "Para siyang isang malaking reunion! Imagine, the biggest stars of Star Magic and ABS-CBN sa mapapanood sa iisang pelikula lang. Talagang sulit na sulit ang bayad ng tao kasi ang daming stars plus maraming kuwento ng pag-ibig ang nandito."
Excited naman si Direk Dado sa naiibang konseptong hatid ng kanilang pelikula. "Naiiba siya in a way na its episodic but each episode is tackling love, pero iba-iba nga lang aspeto ng pagmamahal," pahayag ng direktor ng episode nina Piolo, Zaijan, at Xyriel. "Sa episode namin 'yung love na wagas ang focus. It may be very young, it may be the people na hindi pa mature mag-isip, pero pagdating sa pag-ibig ay kaya nilang gumawa ng desisyon."
Tulad ng mga kapwa niya direktor, damang-dama ni Direk John-D ang kakaibang 'star power' ng kanilang pelikula kung kaya labis ang ligaya niya ng i-offer sa kanya ang trabahong idirek ang episodes ng Maja-Diether at John Lloyd-Angelica love teams.
"This is a once-in-a-lifetime movie event na handog ng Star Magic at Star Cinema para sa mga lahat ng fans," sabi ni Direk John-D. "Sobrang laki ng movie sa dami pa lang ng artista..This kind of movie only happens once. So we're all positive and we're all in this together for the film."
Hindi naman makapaniwala si Direk Frasco na pagkatapos ng kanyang barkada movie na "The Reunion" ay bibigyan siya agad muli ng Star Cinema ng isa pang pelikula kung saan ididirek niya ang episode ng tambalang Pokwang at Sam.
"Natuwa ako kasi another opportunity ito na gumawa ng bagong bagay na hindi ko pa nagagawa sa television," kwento ni Direk Frasco. "Sa buong movie, may mga moments na magre-reflect ka rin kasi feeling ko bawat isang kuwento dun sa may mga taong makaka-relate. For me it's a story about life. Kasi at the end of the day, kung magugunaw man ang mundo, hahanapin mo 'yung taong mahal mo."
Bahagi rin ng "24/7 In Love" ang iba pang Star Magic artists na sina John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Nina Dolino, Joseph Marco, Jason Francisco, Helga Krapf, Andrei Felix, Seppi Borromeo, at Ian Rusell.
Huwag palampasin ang star-studded celebrity movie ng taon, "24/7 in Love," na ipalalabas na sa November 21 (Wednesday).
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "24/7 in Love," mag- log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/,http://facebook.com/StarCinema athttp://twitter.com/StarCinema.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon