Kahit na tuluyan nang nagdesisyon sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na maghiwalay ay nagkaisa naman ang dalawa pagdating sa pagtulong nilang dalawa sa mga nasalanta ng habagat kamakailan lang. Lumubog ang malaking parte ng kamaynilaan at iba pang probinsya dulot ng magdamag na pag-ulan kung kaya hindi na nag alinlangan pa sina Sarah at Gerald na magbigay ng tulong sa mga nasalanta. Bago ito ay parehong lumipad ng ibang bansa ang dalawa para magbakasyon at makapagpahinga. Lumipad patungong Egypt si Gerald Anderson samantalang pumunta namang Hong Kong si Sarah Geronimo kasama ang pamilya.
Nakiisa si Gerald Anderson sa pagbibigay tulong sa tulong ng Philippine Red Cross sa mga nasalanta sa lungsod ng Pasig at San Juan. Matatandaang noong taong 2009 ay nagpakita ng tapang ang binata sa pagsulong nito sa baha para lamang iligtas ang kaniyang mga kapitbahay. Samantalang si Sarah naman ay personal na pumunta sa Fairview kasama ang Sagip Kapamilya para mamahagi ng relief goods sa mga biktima ng habagat. Ayon kay Sarah Geronimo, nasubukan umano ang pagkakaisa ng mga Pilipino pagdating sa mga trahedya. Marami na rin daw kalamidad na pinagdaanan ang bansa pero hindi pa rin bumitaw ang mga Pilipino at patuloy pa ring nagtutulungan sa ano mang pagsubok na dumating.
Ayon kay Sarah, isantabi na raw ang mga sama ng loob at magbigay daan para magmahalan at magkaisa para malampasan ang mga problema. Sa ibang balita ay marami na naman ang napahanga kay Gerald Anderson nang tulungan nito kasama ng kaniyang mga kaibigan ang handler ng binata na nasalanta ng baha. Nang tanungin naman si Sarah Geronimo patungkol sa kaniyang personal na kalagayan ng kaniyang puso ay napangit naman ang dalaga at sinabing kinakaya niya naman daw ito. Matatandaang inamin ni Sarah sa kaniyang programa na huminto na si Gerald sa panliligaw sa kaniya at nilinaw na hindi ang ina ang naging dahilan nito.
Nananatiling positibo si Sarah Geronimo na makakaya niya ang kaniyang pinagdadaanan lalo na sa kanilang naudlot na pagmamahalan ni Gerald Anderson. Ayon kay Sarah, nakakaya naman niya ang pagsubok sa baha at mas makakaya niya naman ang personal na pinagdadaanan niya partikular na ang patungkol kay Gerald. Hindi naman naubusan ng papuri si Sarah Geronimo sa katangian na ipinakita ng mga kapwa Pilipino pagdating sa trahedya dahil hindi umano nawawala ang ngiti sa kanilang mga labi.
Full Story @ Tsismoso