Bumiyahe kamakailan sina Dawn Zulueta and Coco Martin sa Milan, Italy upang kunan ang ilang eksena para sa kanilang top-rating Primetime Bida teleserye sa ABS-CBN na "Walang Hanggan." Sa istorya, magsisimula nang umikot ang kapalaran ng karakter ni Coco matapos ang mararahas na pinagdaanan sa kamay ni Tomas (Joem Bascon) at sakit na nararamdaman nang akalaing nagbago na ang damdamin ni Katerina (Julia Montes) para sa kanya. Magpapasya si Daniel na lisanin na ang hacienda ng mga Alcantara. Makikita naman ito ni Emily (Dawn Zulueta) na magandang oportunidad para sa inaasam na paghihiganti laban sa mga Montenegro kaya't pagdedesisyonan niyang kupkupin si Daniel. Ngunit sa kabila ng masamang balakin, mangingibabaw ang lukso ng dugo lalo na sa pagpunta nila sa Italy para sa isang wine business venture. Matuklasan na kaya ni Emily na si Daniel ang inaakalang niyang namatay na anak nila ni Marco (Richard Gomez)? Paano magbabago ang buhay ni Daniel ngayong kasama na niya ang tunay na ina? Huwag palampasin ang "Walang Hanggan," gabi-gabi, sa bago nitong time slot, pagkatapos ng "E-Boy" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs.walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment