Pinakatinutukan ng buong sambayanan ang pagbubukas ng kuwento ni “E-Boy” nitong Lunes (Enero 30). No.1 agad ang pilot episode nito sa listahan ng overall top programs ng Kantar Media, kung saan nakakuha ito ng national TV rating na 28.1%. Nakapagtala ng sampung puntos na pagitan ang teleseryeng pinagbibidahan ni Bugoy Cariño kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na “Munting Heredera” na may national TV rating lamang na 18.8%. Huwag bibitiw sa mga mas kapanapanabik na tagpo sa nakaaantig na kuwento ng isang batang robot na binigyan ng mga katangian ng isang tao na nang lumaon ay nagtulak sa kanyang hangaring maging isang tunay na bata.
Huwag palampasin ang “E-Boy,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter
0 comments:
Post a Comment