Isa lamang iyan sa mapangahas na hamon na haharapin nila bilang pagbibigay pugay sa anibersaryo ng 1986 EDSA revolution ngayong Linggo (Feb 27) sa “Matanglawin.”
Kilalanin kung sino nga ba talaga si Epifanio delos Santos at kung bakit ipinangalan sa kanya ang makasaysayang lansangan. Bago pa mandin ito tawaging EDSA, alam niyo ba na ang kalsadang ito na may habang 24 kilomentro ay tinatawag na North and South Circumferential Road at Highway 54?
Muntikan na rin ipangalan ito sa Amerikanong heneral na si Douglas MacArthur, pambansang bayani na si Jose Rizal, dating pangulong Ramon Magsaysay at noong 2009 lang, kay dating pangulong Cory Aquino para sa kontribusyon niya sa mapayapang rebolusyon noong 1986.
Bibisitahin din ni Kuya Kim at Teddy ang mga tanyag na landmark na may kaugnayan sa rebolusyon para malaman kung ano ba talaga ang nangyari noong panahon ng Martial Law at kung bakit dilaw ang kilalang kulay sa bayan.
Kamakailan lang ay kinilala ng 8th UStv Students’ Choice Awards ang “Matanglawin” bilang Best Educational Program.
Huwag palalampasin ang “Matanglawin” ngayong Linggo (Feb 26), 9:30 AM sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment