Handang-handa na ang masayang barkadahan ng pinakabagong “comedyserye” na “Luv U” na simulan ang kanilang pagpapatawa't gayong Linggo (Pebrero 19). Tampok sa “Luv U” ang mga Bulilit na kinagiliwan noon na mga dalaga't binata na ngayon na sina Miles Ocampo, Angeli Gonzales, Kiray Celis, CJ Navato at Igi Boy Flores. Ipinakikilala naman ang gwapong-gwapong si Marco Gumabao. Kasama rin sa “Luv U” ang mga beteranong komedyante na sina Joy Viado, Smokey Manaloto at ang seksing-seksing si Bangs Garcia, na siguradong magbibigay-kulay sa buhay ng anim na tweeners. Sundan ang nakakatawa’t kapana-panabik na kwentong high school sa “Luv U,” ngayong Linggo pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.
0 comments:
Post a Comment