Ani ng apat, hindi na mabilang ang kanilang masasayang sandali magmula nang mag-umpisa silang mag-taping ng “TODA Max.” Minsa’y taliwas man sa kanilang mga karakter sa sitcom na may hindi pagkakaunawaan, sa likod ng camera ay enjoy na enjoy sila sa isa’t isa.
Hindi lang ang kanilang trabaho sa sitcom ang pinagkakasunduan ng apat, proud din sila sa tagumpay ng bawat isa. Si Vhong ay abalang-abala sa bagong noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime.” Si Robin naman ay handang-handa nang muling makatambal ang Queen of All Media na si Kris Aquino at si Anne Curtis sa teleseryeng “Kailangan Ko’y Ikaw,” habang si Angel ay may pelikulang ipapalabas na "Unofficially Yours" at si Pokwang naman ay nagbida kamakailan sa mga de-kalibreng pelikula.
“Sino ba namang hindi matutuwa? Lahat kaming apat ay binibigyang-oportunidad ng ABS-CBN na makapag-explore hindi lamang sa comedy, kung hindi maging sa drama at iba pang genre sa TV at pelikula,” ani Robin.
Si Vhong naman hindi inakala na maliban sa “TODA Max,” bibiyan pa siya ng isa pang malaking proyekto, ang “It’s Showtime” na ngayo’y nasa noontime slot na. Isang pangarap na natupad kung ituring ni Vhong ang pagkakabilang sa proyekto.
"Napakasarap po ng pakiramdam kung nasaan ako ngayon kung ano ang kinalalagyan ko. Kasi lumagpas siya sa pangarap ko na maging isang dancer. Ang pagiging host ng isang noontime show, ‘yun ang hindi ko po inisip,” ani Vhong.
Kasabay naman ng pagtatag ng relasyon ni Angel sa atletang ka-date ang pagtibay ng samahan niya sa mga kasama sa “TODA Max.” Aniya, sa sitcom lumabas ang kanyang likas na pagka-komedyana.
Maliban sa pinaghirapan niyang ipundar na mansion, ang Beverly Gil’s ang isa sa mga itinuturing ni Pokwang na pangalawang tahanan. Magaan kasama hindi lamang ang mga co-stars niya kundi pati na rin ang mga miyembro ng production team.
Samantala, mas pinatinding saya ang handog ng bagong season ng “TODA Max.” Sa Season 2 ng programa, lalong papatawanin ang audience sa hatid nitong comedy na talagang may puso.
Nananatili ring numero uno ang “TODA Max” sa timeslot nito. Ayon sa datos ng Kantar Media noong Sabado (Pebrero 4), nakakuha ang “TODA Max” ng 13.2%, laban sa 11.5% at 3.6% ng mga public service program sa mga kalabang istasyon.
Tunghayan ang “TODA Max,” pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://twitter.com/abscbndotcom.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment