Nagpamalas na ng galing ang ibang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao, ngayon panahon naman para bumirit at magpasikat sa kantahan ang mga taga-Maynila sa pagdating ng pinakaabangang singing competition na “The X Factor Philippines.” Abangan ang host na si KC Concepcion ngayong Sabado (Mar 3) sa Trinity University of Asia sa E. Rodriguez Blvd. sa Quezon City para sa one-day audition na gaganapin. Ang kumpetisyon ay bukas sa lahat ng Pilipino na may angking talento sa pagkanta, edad 16 taong gulang pataas. Maaring mag-audition ng mag-isa, may ka-duet, o maaring ding bumuo ng trio o kaya naman isang grupo. Magdala lamang ng minus one ng inyong kakantahin sa audition. Nagsimula sa UK ang “The X Factor” kung saan tinagurian itong pinakamalaking talent search. Napapanood na rin ang “The X Factor” sa higit na 30 bansa at may higit sa 50 “The X Factor” winners na ang napili sa buong mundo kasama na rito si Melanie Amaro, ang unang nanalo sa “The X Factor USA” noong nakaraang buwan. Sino kaya ang pinakaunang Pinoy na tatanghaling ‘The X Factor’ winner? Abangan ang “The X Factor Philippines,” sa pangunguna ng host na si KC Concepcion, malapit na malapit na sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment