Tuluyan nang nabihag ng pinakabagong Kapamilya primetime princess na si Ella Cruz ang puso ng TV viewers sa patuloy na pamamayagpag ng teleserye niyang "Aryana" sa national TV ratings. Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media, kung saan humataw ito ng 19% national TV rating kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Alice Bungisngis" nakakuha lamang ng 11.5% national TV rating.
Sa bilis ng takbo ng mga eksena, matindi ang kapit ng mga manonood sa kuwento ni Aryana (Ella) lalo na ngayong may bagong binatilyong umaaligid dito--ang kaklase niyang si Hubert, na ginagampanan ng bagong Kapamilya teen star na si Dom Roque.
Sa pagpasok ni Dom sa buhay ni Aryana, may mababago kaya sa buhay ng tween mermaid? Magiging malaking hadlang ba si Dom sa namumuong espesyal na pagtitinginan ng magkababatang sina Aryana at Marlon (Paul Salas)?
Samantala, sa hindi na mapigilang paglalapit ng mundo ni Aryana at ng ama niyang si Victor (Tonton Gutierrez), tuluyan na kaya siyang kilalanin bilang isang tunay na Mendez? Matanggap naman kaya siya ng kapatid niya sa ama na si Megan (Michelle Vito) o ang paglabas ng katotohanan ang hudyat ng isang mas malaking away?
Huwag palampasin ang "Aryana," gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-"TV Patrol. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment