Magkakabalikan ang dating mag-asawang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana ngayong Sabado (Mayo 5) sa episode ng "Maalala Mo Kaya" kung saan bibigyang buhay nila sa telebisyon sina Mariz at Nonit na kapwa sinubok ng panahon ang tatag ng pag-ibig para sa isa't isa.
Bagama't nakita na niya ang kanyang 'one great love,' hindi nagawa ni Mariz na sumama kay Nonit dahil sa pangakong hindi mag-aasawa hangga't hindi napagtatapos ng kolehiyo ang lahat ng mga kapatid. Matapos niyang malamang kinasal na si Nonit sa iba, binuhos ni Mariz ang panahon sa kanyang pamilya at naniwalang nakatakda siyang maging matandang dalaga. Ngunit gugulatin siya ng tadhana dahil matapos ang maraming taon, magtatagpo silang muli ni Nonit. Sa huli, matupad kaya ni Mariz ang pangarap niyang makasama habang buhay ang kanyang 'one great love?'
Kasama nina Aiko at Jomari sa "MMK" episode nila sina Bernadette Allyson, Dexter Doria, Daria Ramirez, Debraliz, Bodjie Pascua, Yda Yaneza, Nene Tamayo, DM Sevilla, Jessica Connely, Buddy Palad, at Koreen Medina. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Joan Habana, at sa direksyon ni Don Cuaresma.
Huwag palampasin ang kuwento ng wagas na pag mamahalan ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang "Maalaala Mo Kaya" (MMK), pagkatapos ng "Wansapanataym." Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.faceboook.com/MMKOfficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment