Ilalaan ang buong buwan ng Mayo para kay Julie Anne San Jose, ang batang nagpakita ng kagilagilalas na talento sa pag-awit simula noong siya'y 3 taong gulang pa lamang. Mula noon, napakarami nang nakamit ang 17 year-old na si Julie Anne; nagkaroon na siya ng kanyang unang major solo concert na pinamagatang Spread the Love Live noong 2011 at kasalukuyan siyang naghahanda para sa kanyang concert sa Cebu na pinamagatang From the Heart. Dahil sa kanyang napakalambing na tinig at karisma, nanalo siya ng iba't ibang parangal para sa pag-arte at pag-awit. Itinganghal siyang Best Teen Performer (2011) sa 24th Aliw Awards, pumangalawa sa Top Ten Women to Watch para sa taong 2012 at marami pang iba. Abangan din siya sa isyu ng MYX Magazine ngayong buwan. Subaybayan si Julie Anne sa "Pinoy MYX" (May 6 to 12), "Mellow MYX" (May 13 to 19), "My MYX" (May 20 to 26) at "Take 5" (May 27 to 31). Para sa mga update, bumisita sa www.myxph.com. I-download din ang MYX Charts app mula sa Android Market at i-install ng libre.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment