Sa Lunes (May 7) na ang pinakapinananabikang pagsisimula ng fantaseryeng tampok ang kauna-unahang teenage mermaid sa primetime TV, ang "Aryana" na pagbibidahan ng 2008 FAMAS Best Child Actress na si Ella Cruz.
Ayon kay Ella, magkahalong kaba at excitement na ang kanyang nararamdaman sa pagbubukas ng kanilang teleserye na naging trending topic kamakailan sa sikat na website na Yahoo Philippines.
"Magugustuhan po ng viewers ang 'Aryana' dahil bagong kuwento po ito ng well-loved character natin na sirena," sabi ni Ella. "Ngayon po, isang modern teenager ang bida. Normal na tao muna siya bago naging mermaid."
Ani pa ni Ella, buong pamilya raw ang hangad pasayahin ng kanilang fantaserye. "Fit for all ages po ang 'Aryana.' Perfect po siya sa tweens dahil sa ka-age ko sila at maging sa mga bata, adults, at magulang dahil sa mabubuting aral na ibabahagi nito tungkol sa pamilya, pag-ibig at kalikasan," kuwento niya.
Tuklasin sa simula ng "Aryana" kung paano mababago ang takbo ng buhay ng isang ordinaryong teenager sa pagsapit ng kanyang ika-14 na kaarawan, kung kailan nakatakdang maisakatuparan ang sumpang ibinigay sa kaniya--ang pagiging isang serena.
Kasama ni Ella sa "Aryana" ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Pokwang, Tonton Gutierrez, Desiree del Valle, Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit, Michelle Vito, David Chua, Boom Labrusca, Marvin Yap, Louise Abuel, at Paul Salas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano.
Ngumiti, kiligin, at umiyak sa pagbubukas ng kuwento ng masayahing teenage mermaid sa magdadagdag saya sa ABS-CBN Primetime Bida, ang "Aryana," ngayong Lunes (Mayo 7), bago mag-"TV Patrol". Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment