Humataw agad sa national TV ratings ang pilot episode ng pinakapinananabikang fantaserye ng ABS-CBN tampok ang kauna-unahang teenage mermaid sa primetime TV, ang "Aryana" na pinagbibidahan ng 2008 FAMAS Best Child Actress na si Ella Cruz.
Base sa datos ng Kantar Media, nanguna sa timeslot nito ang "Aryana" taglay ang national TV ratings na 15.6% kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Alice Bungisngis" na nakakuha lamang ng 11.7%.
Labis ang pasasalamat ni Ella sa mga manonood na tumutok sa pagbubukas ng kuwento ng kanyang karakter na si Aryana. "Thank you po sa lahat ng TV viewers na sumuporta sa amin. Mas marami pa po kayong dapat abangan sa mga susunod na episodes," aniya. "Abangan n'yo po ang pagdadalaga ni Aryana at kung paano siya magiging isang sirena."
Samantala, ngayong nanakaw na ni Neptuna (Desiree del Valle) ang sanggol na si Aryana mula sa ina nitong si Ofelia (Pokwang), paano niya maisasakatuparan ang plano niyang makaganti kay Victor (Tonton Gutierrez) na siyang nakapatay ng kanyang mahal na anak? Anong kasunduan ang nakatakdang bumago sa takbo ng buhay ni Aryana sa pagsapit ng kanyang ika-14 na kaarawan?
Kasama nina Ella, Pokwang, Tonton, at Desiree sa "Aryana" ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit, Michelle Vito, David Chua, Boom Labrusca, Marvin Yap, Louise Abuel, at Paul Salas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano.
Patuloy na subaybayan ang fantaseryeng tampok ang kauna-unahang teenage mermaid sa primetime TV, "Aryana," gabi-gabi, bago mag-"TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment