Sasanayin nina Vice Ganda at Angeline Quinto ang housemates ng "Pinoy Big Brother Teen Edition 4" para sa kanilang weekly task at fund-raising event na pinamagatang "Build a Big Dream Concert" na gaganapin ngayong Biyernes (Mayo 18) sa PBB eviction hall.
Parehong bibigyan ng payo at lakas ng loob ng "It's Showtime" host at Queen of Teleserye Theme Songs ang housemates base sa kanilang mga karanasan sa pagtatanghal nang live. Pipiliin ni Vice ang housemates na nag-aalangan ngunit may tinatagong kakaibang talento, habang tututukan naman ni Angeline ang mga kakanta.
Kakalap ng pondo ang housemates mula sa mga tagasuportang manonood upang ipagkaloob sa isang bagong paaralan sa Masbate na magbubukas pa lang sa Hunyo at kulang sa mga silid-aralan.
Samantala, nominadong ma-evict sa Sabado (Mayo 19) sina Clodet, Karen, Kit, at Mariz. Sino kaya sa kanila ang susunod kay Claire sa outside world na siyang ang pinakahuling evictee ng edisyon?
Pakatutukan kung ano pa ang kayang gawin ng kabataang Pinoy sa "PBB Teen Edition 4" kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng "Dahil sa Pag-ibig" sa Primetime Bida, sa "PBB Teen Edition 4 Uber 2012" kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at John Prats pagkatapos ng "Kung Ako'y Iiwan Mo" sa Kapamilya Gold at "Showbiz Indie Report" tuwing Sabado, at sa "PBB Teen Edition 4 Updates" kasama si Robi tuwing "Kung Ako'y Iiwan Mo" at "Princess and I" sa ABS-CBN. Huwag namang magpahuli sa mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang Sekretarya ni Kuya sa @OfficialPBB4 sa Twitter at i-like angwww.facebook.com/OfficialBigBrother. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment