Sa darating na Mother's Day, isang tribute para sa mga nanay ang ihahandong ng Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat sa pagpapatuloy ng kanyang "Wansapanataym" special ngayong Sabado (Mayo 12).
Sa 'Hungry Birds' episode, gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Maya, isang batang nagtatampo at sumusuway sa inang mag-isang nagtaguyod sa kanya. Dahil sa ugali ni Maya, isang mahiwagang ibon ang mabibigay ng parusa sa kanya na maging isang taong ibon. Matututunan na kaya ni Maya na pahalagahan ang kanyang ina sa oras ng kanyang pag-iisa?
Makakasama ni Xyriel sa episode sina Assunta de Rosi, Ana Capri, at Raquel Monteza. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Ayi Tamayo at direksyon ni Joj Saguin.
Ang "Wansapanataym" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang "Wansapanataym" special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment