Masayang-masaya ang binatang si Epi Quizon nang makuha niya ang Best Actor trophy kamailan lang at balak niya itong ibigay sa ama na si Dolphy. Kasalukuyang nasa Makati Medical Center si Dolphy noong nang manalo ang anak na si Epi ng kaniyang kauna-unahang Sineng Pambansa sa kaniyang pelikula na Ang Mga Kidnaper Ni Ronnie Lazaro. Pumanaw naman si Dolphy noong July 10 ng gabi. Ang pinakahuling karangalan na natanggap ni Epi Quizon ay noong 2000 nang manalo sila ni Dolphy at kapatid na si Eric Quizon sa Brussels International Film Festival para sa kanilang role sa pelikulang Markova: Comfort Gay. Nabanggit din ni Epi sa isang panayam bago pa pumanaw ang ama ay nawalan na ng boses matapos sumailalim sa tracheostomy.
Kinumpirma rin ni Epi Quizon na gusto na talagang umuwi ng ama nitong si Dolphy ngunit hindi lamang makapagsalita nang maayos. Bago pa pumanaw si Dolphy ay nakipaglaban muna ito sa kaniyang ika-12 na pneumonia. Bagamat marami ng improvements kay Dolphy ay napansin naman ni Epi na mahinang mahina na talaga ang pangagatawan ng kaniyang ama. Aniya, hindi raw lahat ng kaniyang sinasabi ay ang kasalukuyang kalagayan ng amang si Dolphy dahil mabilis umanong magbago ang kalusugan nito. Bawat oras ay nag-iiba raw ang kondisyon ni Dolphy ayon kay Epi Quizon na madalas na nagbabantay sa ama.
Bagamat Comedy King ang bansag ng mga tao sa ama ay iginiit ni Epi na simpleng tao lamang ama at mas gugustuhin lamang maging isang jester o nagbibigay saya sa mga tao. Nang mapag-usapan naman ang matagal nang hinihintay na National Artist award para kay Dolphy ay hindi na raw ito iniisip ng pamilya ni Epi Quizon. Aniya, sapat na raw na reward ang magandang kalusugan ng kanilang ama. Nagpasalamat din ang aktor dahil ginawaran ang amang si Dolphy ng Outstanding Manileño award bago pa ito pumanaw.  Isa naman daw itong malaking karangalan para sa pamilya nina Epi at siguradong ikatutuwa ito ng amang si Dolphy ngunit hindi ito ang kanilang priority sa ngayon.
Mahalaga na rin daw ang pagiging National Treasure ni Dolphy sa bansa kung kaya hindi na nila pinagpipilitan pa ang parangal para sa kanilang ama bilang isang National Artist. Idolo umano ni Epi Quizon ang ama at siya na raw ang nagisisilbing commander-in-chief niya sa kaniyang buhay. Hindi naman umano nagtrabaho ang komedyante para sa mga parangal kundi dahil mahal niya ang kaniyang ginagawa bilang isang artista. Mas mahalaga raw kasi na napapasaya ni Dolphy ang mga tao sa kaniyang paligid. Kahit wala namang naturang award ang ama ay mananatili pa ring Hari ang turing ni Epi Quizon dito. Naniniwala ang batang Quizon na ipinanganak ang ama niya para maging isang entertainer.
Nabanggit naman ni Epi na dahil sa kritikal na kondisyon ng kaniyang ama ay umuwi ng bansa ang ilan niyang mga kapatid na naninirahan abroad. Nalungkot naman si Epi Quizon dahil ang isa sa mga kapatid niyang umuwi ay natanggal na sa trabaho dahil sa matagal na pamamalagi sa bansa para kay Dolphy. Kahit pa alam nina Epi kung gaano na kahina ang katawan ni Dolphy ay nanatili pa rin ang ngiti sa kanialng mga mukha at puso dahil sa iniwang pagmamahal sa kanila ng ama. Sinigurado ni Epi Quizon na hindi ito mawawala sa kanilang pamilya.
0 comments:
Post a Comment