Sinusubukan na umano ng pamilya ni Eric Quizon na mag-move on matapos ilibing ang kaniyang namayapang ama na si Dolphy. Pumuntang Amerika si Eric para dalawin ang kaniyang ina na si Baby Smith na naging kasintahan noon ni Dolphy. Ang ina ni Eric Quizon ay kilala noon bilang si Pamela Ponti noong ito ay nasa showbiz pa. Namimiss na raw ng actor-director ang kaniyang ina dahil sa telepono lamang sila nakakapag-usap simula nang ma-confine si Dolphy hanggang bawian na ito ng buhay noong July 10. Â Bago ang paglipad ni Eric sa Amerika ay nanggaling na ito sa isang cruise trip at kababalik lamang noong kaarawan ni Dolphy.
Noong isang taon pa umano binayaran ng binata ang naturang trip na dapat sana ay 13 araw na magsisimula noong July 11 ngunit isang araw bago nito ay pumanaw na si Dolphy kung kaya kinailangang ikansela ito ni Eric Quizon. Hindi raw kasi ito pwedeng i-refund o i-transfer kung kaya ayaw naman nitong masayang ang kaniyang ibinayad kung kaya itinuloy niya na ito. Kalahati ng cruise na lang ang nagamit ni Eric dahil matapos ang libing ni Dolphy ay dito na ito dumeretso.
Nagbalik na rin ng trabaho ang binata sa kaniyang eco-serye sa TV5 na Enchanted Garden. Walong linggong tumigil sa trabaho si Eric Quizon para punan ang kaniyang reponsibilidad bilang isang anak kay Dolphy noong ito ay nabubuhay pa at na-confine sa ospital. Nagsilbing spokesperson ng pamilya Quizon ang direktor na walang sawang nagbibigay ng updates patungkol sa kalagayan noon ng ama. Wala namand aw magagawa si Eric kundi bumalik ng trabaho dahil isa umano itong commitment na dapat tuparin.
Gusto rin naman daw magtrabaho ni Eric Quizon para malibang na rin daw at huwag na masyadong isipin ang pagkawala ni Dolphy. Dumadating pa rin naman daw ang mga panahon na namimiss pa rin ni Eric ang amang si Dolphy ngunit ang kailangan umano nilang gawin bilang isang pamilya ay mag move on na sa pangyayari dahil alam nilang nasa mabuting lugar na ang namayapang ama. Pinag-iisipan din ng pamilya ni Eric Quizon na buksan sa publiko ang libingan ng ama pero kinakailangan pa umano nila makipag-usap sa Heritage Park.
0 comments:
Post a Comment