Dahil sa tagumpay ng pelikula ni Eugene Domingo ay inaasahan pa umano na masusundan pa ang Kimmy Dora. Nagpapasalamat si Eugene sa naging tagumpay ng kaniyang pelikula sa tulong na rin ng mga tagahanga at kaniyang mga kaibigan. Maganda rin umano ang pakiramdam ni Eugene Domingo dahil kasama niyang tumatawa ang mga audience ng Kimmy Dora sa sinehan. Showing pa rin sa iba’t-ibang mga sinehan ang Kimmy Dora at hindi raw natatakot ang aktres kahit pa sabayan sila ng international movies katulad ng Spiderman.
Ikinuwento naman ni Eugene na maging ang mga crew ng Kimmy Dora ay nagdadasal din sa tagumpay nito. Dahil sa positibong pagtanggap ng mga tao sa kaniyang pelikula ay binabalak na ng Spring Films na magkaroon ng panibagong franchise ng Kimmy Dora. Kahit pa ayaw o gusto umano ng mga tao ay itutuloy pa rin daw nina Eugene Domingo ang kanilang pangatlong pelikula. Bago raw dumating si Eugene sa edad na 50 ay kailangang magampanan niya ang karakter niyang si Dora. Sa ngayon ay wala pang naiisip na concept sina Eugene Domingo para sa susunod Kimmy Dora. Bago raw kasi nila simulan ang panibagong pelikula ay gusto muna nila namnamin ang tagumpay ng kanilang pinaghirapang proyekto.
Inamin din ng komedyanteng si Eugene na gusto niya rin umanong makapag-produce ng pelikula balang araw. Bukod dito ay gusto rin gumawa ni Eugene Domingo ng pelikula kasama ang Kimmy Dora executive producer na si Piolo Pascual. Ang kinakailangan na lang daw ngayon nina Eugene ay makahanap ng magandang script para sa kanilang susunod na pelikula. Aminado si Eugene Domingo na inspirado sila sa naging tagumpay ng naturang pelikula kung kaya pinag-iisipan na nila ang gumawa muli ng isa pang pelikula. Bukas din ang production ng Kimmy Dora sa mga fresh na ideya at pati sa pakikipag-collaborate sa ibang ideya ng mga tao ay handa sila.
Kinilala si Eugene Domingo bilang isa sa mga mahuhusay na Filipina sa naganap na Pinay and Proud exhibit. Nagpapasalamat si Eugene dahil bukod sa magandang naging resulta ng kaniyang pelikulang Kimmy Dora ay nakilala rin ang kaniyang natatanging talento. Natatawa namang ikinuwento ni Eugene na ang kinita niya sa pelikula ay ang gagamitin niyang pocket money para sa kaniyang pagbabakasyon sa ibang bansa. Aniya, kinakailangan niya umanong magpahinga dahil sa kaniyang pinagpagurang pelikula. Umaasa si Eugene Domingo na tuloy-tuloy nang tatangkilikin ng mga tao ang pelikulang Pinoy dahil malaki umano itong tulong para sa industriya.
0 comments:
Post a Comment