Magkakaroon na ng kauna-unahang teleserye si Renz Fernandez na bunsong anak nina Lorna Tolentino at namayapang si Rudy Fernandez. Ang unang teleserye ni Renz ay pinamagatang Little Champ na ipapalabas sa TV5. Kapansin-pansin naman ang pagiging kiritiko ni Renz Fernandez sa kaniyang performance sa naturang teleserye. Aniya, makikita umano ang kaniyang mga sablay na pag-arte ngunit marami naman daw siyang nagawang tama. Natuto rin umano ang binata sa kaniyang bagong teleserye at pakiramdam niya ay may improvement naman siyang nagawa. Inimbitahan naman ni Renz ang mga tao na manood ng kaniyang teleserye dahil sigurado umanong mapapatawa at mapapangiti ang mga tao rito.
Gagampanan ni Renz Fernandez ang isang truck driver sa teleserye na magkakaroon ng koneksiyon sa batang bida. Makakasama rin ng aktor sa teleserye ang aktres na si Coleen Garcia at si Senator Lito Lapid. Bago pa magsimula ang teleserye ay nag-workshop na si Renz para sa mga paghahanda niya. Naniniwala ang binatang si Renz Fernandez na ang kailangan sa pag-aartista ay binubuhay nito ang sarili nitong buhay. Kung malungkot umano ang kinakailangan sa teleserye ay kailangang maging totoo siya sa kaniyang nararamdaman. Napansin din nito ang mga mali niya sa ilang eksena sa teleserye katulad ng madalas nitong paggalaw ng ulo.
Umaasa rin si Renz na mapatawa niya ang mga manonood sa kaniyang mga gagawin sa teleserye. Ipinagdarasal din ni Renz Fernandez na mag-enjoy ang lahat ng mga tao kahit pa kabado siya na gawin ang teleserye. Umaasa rin ang binatang aktor na maiintindihan din siya ng mga tao dahil bago lamang siya sa industriya. Ayaw namang magpaapekto ni Renz sa pressure dahil maaaring ikabagsak niya rin ito.
Maging ang ina ni Renz Fernandez na si LT ay nagbigay rin ng ilang pointers sa kaniyang anak bago pa ito magsimula sa kaniyang teleserye. Â Hindi na rin daw makapaghintay ang ina ni Renz na mapanood ang anak sa telebisyon. Kung sakaling maayos na ang lahat na kinakailangan sa teleserye ay inaasahang ilalabas na ito sa darating na September para sa pilot episode nito. Ayaw namang magpaapekto ni Renz Fernandez sa mga pressure na ibinibigay sa kaniya sa teleserye dahil siya ay anak ng dalawang batikang artista. Kapag ginawa naman daw ng binata itong problema ay maaaring makasira lamang daw ito sa kaniyang trabaho sa teleserye.
Abala si Renz sa kaniyang teleserye at hindi naman daw niya masyadong problema ang love life kahit pa wala siyang kasalukuyang nobya ngayon. Aniya, naiinggit din daw siya sa kaniyang kuya Raf na kasalukuyang may anak at asawa na pero mas kailangan pa umanong magtrabaho ni Renz Fernandez para sa kaniyang kinabukasan. Mas pinagtutuunan naman ng pansin ngayon ng baguhang aktor ang kaniyang teleserye dahil gusto niyang ipakita na may kaya siyang ibuga kahit papaano.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment