Kailangan nang maikasal ng Kapamilya teen star na si Kathryn Bernardo bago sumapit ang kanyang ika-18 kaarawan. Ito ang nakatakdang maganap ayon sa batas ng Yangdon sa karakter ni Kathryn na si Prinsesa Areeyah sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na "Princess and I."
Habang naninindigan ang fans nina Kathryn at Daniel Padilla na hindi si Dasho Jao (Enrique Gil), kung hindi ang karakter ni Gino (Daniel) ang pipiliing mapapangasawa ni Prinsesa Areeyah, kamakailan ay ibinahagi naman ng primetime princess ang saya ng pagbabalik-Bhutan ng cast and crew ng "Princess and I."
"Hindi ko ine-expect, pero lalong gumanda 'yung experience ko," kwento ni Kathryn. "Nung pagbalik po kasi namin harvest time nila kaya puro green ang tanawin. Sobrang ganda talaga. 'Yung water nila sobrang linis. At sobrang babait ng mga tao sa Bhutan."
Nang tanungin naman si Kathryn kung nagkaroon ba sila ng pagkakataon ng isa sa mga leading man niyang si Daniel na magbonding habang nasa Bhutan, diretso lamang ang sagot ng teen actress. Aniya, "Wala kaming sweet moments dun kasi sobrang paspasan lang talaga 'yung shoot namin. Sa airport na kami nakapag-bonding, nung pabalik na ng Pilipinas."
Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog at rebelasyon sa buhay ni Prinsesa Areeyah sa "Princess and I," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment