Sa nasabing press conference, naitanong kay Binoe kung ano ang pwedeng gawin ni BB Gandanghari (formerly known as Rustom Padilla) para buong-buo niyang matanggap ang kanyang kapatid. Although nabalita na wala nang tampuhan ang magkapatid ay common knowledge ang pagkakaroon nila ng magkasalungat na paniniwala pagdating sa sekswalidad ni BB.
“Ako naman eh si utol (BB) naman eh masaya naman siya, masaya na rin kami. Marami ring masaya para sa kanya pero siguro kung ige-guest namin siya [sa Toda Max], siya si Rustom (siya) hindi siya si BB,” makahulugang sagot ni Robin. “Meron nang Vice Ganda ang ABS-CBN, huwag na natin pang dagdagan ng isa pa.Okay na siya don sa Channel 5. Pag andito siya, siya si Rustom para wala rin kaming problema…”
Nang isagot kay Robin ang statement ni BB na patay na si Rustom, mabilis na sagot ng action star, “He’s alive in my heart.”
Ibinahagi rin ni Robin na sinabi niya sa kanyang co-star na si Vhong na gumawa sila ng pelikula at si Robin ang magiging sidekick at si Vhong ang pangunahing bida. “Ang sinabi ko kay Vhong, ‘Pare ko, alam mo ba si Johnny Depp, gagawa ng [movie], sidekick lang siya. Pare gusto ko magside-kicksa ‘yo.’ ‘Yun ang sabi ko sa kanya.
“Siguro akala niya binobola ko lang siya. Siguro nung mga last taping lang sabi ko, ‘Pare, ito na ang konsepto. Gawin natin, gawa tayong pelikula. Ako na ‘yung sidekick mo.”
Ipinaliwanag ni Robin na willing siyang gawin ito dahil naniniwala siya sa kakayahan ni Vhong bilang aktor at komedyante. Papuri ni Robin kay Vhong, “Napakagaling ho ng taong ito eh. Hindi ko naman gagawin ‘yon kung sino lang na… baka batukan ko pa. Pero dahil siya si Vhong Navarroat nakikita ko na napakagaling niya ho, talaga eh ibababa ko ang sarili ko.” Pagkatapos nito ay muling hinarap ni Robin si Vhong at sinabing handa siyang mag-sidekick sa kanya.
“Para sa ‘yo tol gagawin ko. Dahil naniniwala ako sa ‘yo na isang magandang proyekto ang gagamitin,” aniya pa. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment