Hindi na basta-basta ang pagkuha ng kasambahay dahil sa oras na malagdaan ni Pangulong Noynoy Aquino ang Kasambahay Bill, may proseso nang dapat sundin bago sila makapagsilbi sa inyong mga tahanan.
Alamin ang buong detalye ng Kasambahay Bill kasama si Ted Failon ngayong Sabado (Dec 8) sa "Failon Ngayon."
Sa ilalim ng Kasambahay Bill o House Bill 6144, kinakailangan nang magbigay si Inday ng medical certificate, birth certificate at police clearance bilang requirement sa pag-a-apply bilang kasambahay. Kapag pasado na ang aplikante ay kailangan pang gumawa ng amo ng kontrata na iparerehistro sa baranggay hall kapag tapos na ang pirmahan sa ng magkabilang kampo.
Nasasaad din sa naturang batas na kung sakaling may masira ang kasambahay sa tahanan ng kanyang amo ay hindi ito maaaring pagbayarin at kung dumating ang araw na nais na nitong umalis ay hindi rin ito maaaring pigilan o pagbayarin sa mga utang na maiiwan nito.
Dapat nga bang pirmahan ng Pangulo ang Kasambahay Bill? Patas ba ang nasasaad dito o dapat itong repasuhin muli para mas maprotektahan ang karapatan ng parehong panig?
Ikaw man ay may kasambahay o ikaw ay kasambahay o magkakasambahay pa lang, sa Kasambahay Bill, lahat tayo may pakialam. Panoorin ang buong ulat sa "Failon Ngayon" ngayong Sabado (Dec 8), 4:45 PM sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FailonNgayon.
0 comments:
Post a Comment