Nagkwento si Piolo Pascual tungkol sa kanyang pinakabagong proyekto sa telebisyon, ang Apoy Sa Dagat kung saan kasama niya si Angelica Panganiban. “Nakakaoverwhelm. Its something new, something different. My role is Ruben, isa akong mangingisda dito na naampon natin si Angelica, si Rina. Tapos yun magkasama na kami hanggang sa tumanda kami tapos pagtanda kailangan magtrabaho e medyo hindi ako matalino dito. Gusto ko maging seaman hindi nangyari kaya siya (karakter niAngelica) na lang ang gumawa ng paraan para mabuhay. Dun pumasok ang conflict sa love storynamin, kinailangan niyang magtrabaho para sa amin, yung pagpasok niya sa siyudad dun kami nagkaroon ng problema at kung paano ko babawiin yung mahal ko.”
Sa dinami-rami na rin na ginampanan ni Piolo sa telebisyon, ano pa nga ba ang kakaibang makikita sa kanya sa seryeng ito? “That is why I am excited, I am happy how Star Cinema was able to come up with a different character and malayo naman from being a priest sa Dahil sa Pag-ibig. So iba yung dynamics niya as a character so malalaro, mabibigyan natin ng magandang interpretation kasi marami siyang mapupuntahan at pwedeng gawin.” By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment