Iimbestigahan ni Atom Araullo kung totoo nga bang may doppelgangers o nilalang na nanggagaya ng anyo ng mga taong nabubuhay pa ngayong Biyernes (Jan 25) sa "Pinoy True Stories: Hiwaga."
Personal itong naranasan ni Ruby at ng kanyang mga kasamahan sa kwarto ng makahalubilo nila ang isang taong hindi lang ginagaya ang mga itsura nila, kung hindi nagpapakita rin sa mga larawan, dumadaan sa kanilang harapan, at namamataang nakahiga sa kanilang higaan.
Sinubukan nilang magpausok ng insenso baka sakaling mapalayas ang masasamang elemento sa kanilang tinitirahan ngunit hindi ito umubra.
Namamalikmata lang ba sila o talagang isang doppelganger na ang kaharap nila? Posible nga bang magdulot ito ng panganib o pagbabadya sa kanilang mga buhay?
Huwag palalampasin pinakabagong kuwento ng kababalaghan handog ng "Pinoy True Stories: Hiwaga," sa pangunguna ng anchor na si Atom Araullo,
ngayong Biyernes ng hapon (Jan 25), 4:45 p.m. pagkatapos ng "A Gentleman's Dignity" sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin angwww.abscbnnews.com/currentaffairs .
Abangan din ibang mga bagong "Pinoy True Stories" hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng "Bistado" ni Julius Babao tuwing Lunes, "Engkwentro" ni Karen Davila tuwing Martes, "Saklolo" nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at "Demandahan" ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.
0 comments:
Post a Comment