Isang pelikula ang pagbibidahan ng magkasintahang Bea Alonzo at Zanjoe Marudo bilang bahagi ng pelikulang 24/7 In Love na inihahandog ng Star Cinema. Bading ang magiging role ni Zanjoe sa naturang pelikula at totoong nailang umano siya sa karakter na kaniyang ginampanan. Hindi umano siya nakapaghanda agad dahil biglaaan ang shooting ng pelikula nila ni Bea. Kinabahan naman daw ang dalaga nang unang malaman ang magiging proyekto nila ng kaniyang nobyo. Aminado si Bea Alonzo na natakot siyang makaramdam ng kaba sa pakikipagtrabaho kay Zanjoe Marudo.
Hindi naman daw nailang si Bea sa naging karakter ni Zanjoe bilang isang bading sa kanilang pelikula. Naging masaya naman daw si Bea Alonzo sa proyekto nila ni Zanjoe Marudo dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magkita ng kaniyang boyfriend ng halos araw-araw. Nakapag-bonding naman daw ang magkasintahan sa halos limang araw nilang pagtatrabaho. Masarap umano ang pakiramdam ni Bea na makatrabaho si Zanjoe lalo na at wala naman daw silang isyu sa isa’t-isa.
Marami rin umanong natuklasan si Bea Alonzo sa pakikipagtrabaho sa kaniyang boyfriend. Nagulat daw ang dalaga na pawisin umano si Zanjoe Marudo sa tuwing magkakaroon ito ng eksena dahil hindi umano ito basta-basta na nakakapag-relax. Dahil dito ay kinakabahan din umano si Bea dahil alam niyang kina-career ni Zanjoe ang trabaho at role nito sa pelikula. Hindi naman daw naging kumpetisyon para sa magkasintahan ang kanilang pag-arte dahil gusto lamang umano nilang itong pagandahin para sa mga manonood.
Napabilib naman si Zanjoe Marudo kay Bea Alonzo dahil lumalabas umano ang pagiging propesyonal nito sa industriya. Tila alam na alam na umano ng aktres ang gagawin nito sa bawat eksena. Sa tuwing kakailanganin na raw ng emosyon ay agad na nakukuha ito ni Bea kumpara sa baguhang katulad ni Zanjoe. Maging si Bea Alonzo naman ay napabilib din kay Zanjoe Marudo dahil na rin sa isang challenging nitong role bilang bading. Hindi itinatanggi ng dalawa na masayang-masaya nga sila sa kanilang kasalukuyang relasyon at umaasa sila na sila na nga hanggang sa huli.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment