Tunghayan ang pagpapakitang gilas ng mga nangangarap makapasok mula sa Luzon sa nalalapit na pagbabalik ng hit talent-reality show na "Pilipinas Got Talent" live sa harap mismo ng judges bukas (Jan 17) at sa Biyernes (Jan 18) sa PAGCOR Grand Theater sa Paranaque.
Tinatawagan ang publiko para manood at samahan ang big three judges na sina 'Comedy Queen' Ai Ai Delas Alas, 'Queen of All Media' Kris Aquino, at 'The Expert' Freddie "FMG" Garcia sa kanilang pagpili ng contestants na uuusad sa mga susunod na round ng kumpetisyong magsisimula malapit na sa ABS-CBN.
Kasama rin ang hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford para makipagkulitan at para alamin ang kuwento ng buhay ng bawat kalahok.
Libre lang manood kaya pumila na sa PAGCOR Grand Theater sa mga nabanggit na petsa. Magbubukas ang gates sa ganap na 11 ng umaga. Unang makakapasok sa venue ang mga mauunang darating.
Baka isa sa mapapanood mo na act na pala ang susunod sa tagumpay ni PGT season 1 grand winner Jovit Baldivino, PGT season 2 grand winner Marcelito Pomoy, at PGT season 3 grand winner Maasinhon Trio.
Pakaabangan ang pagbabalik ng pinakamalaking talent-reality show sa bansa na "Pilipinas Got Talent" malapit na sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment