Ayon pa sa aktres, isa siyang sa libo-libong fans ng John Lloyd-Sarah team up kaya hindi siya nagseselos. In her interview, inihayag din ni Angelica na napag-usapan din nila ni John Lloyd ang tungkol sa nakatatawang experience niya nung panoorin niya ang naunang movie nina Sarah at Lloydy.
“Pinag-uusapan nga namin (ni John Lloyd), ‘Naalala mo nung nagkita tayo, nung unang-unang pelikula n’yo ni Sarah?’ Sabi ko, ‘Sobrang kilig ko sa inyo, natapon ko ‘yung popcorn ko.’” Kwento ni Angelica.
Nang tanungin kung fan ba siya ni John Lloyd-Sarah love team, ang sagot ni Angelica, “Meron bang wala? Parang pag sinabi kong nagseselos ako parang baka gusto kong patayin (ako) ng mga fans nila, ng mga Popsters (fans club ni Sarah),” biro ng dalaga.
“Parang napaka-living saint ni Sarah, parang ’di ko naman yata kayang magselos sa kanya.”
Itinanong rin sa aktres kung bakit “living saint” ang paglalarawan niya kay Sarah. “Parang wala kang itulak kabigin, parang siya na ata ang pinakamabuting tao sa showbiz.”
Kahit gusto man niyang manood sa opening day ng ng upcoming movie ng kanyang boyfriend with Sarah, sinabi ni Angelica na mukhang may trabaho siya sa abroad sa araw na iyon. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment