BIG THREE JUDGES NG PGT, NAGBABALIK

Muling nagbabalik ang Big Three judges ng "Pilipinas Git Talent" para sa isa na namang edisyon ng pinakamalaki at pinakaengrandeng talent-reality show sa bansa na mapapanood malapit na sa ABS-CBN. Uupong muli sa judges panel sina Queen of All Media Kris Aquino, Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, at 'The Expert' Freddie "FMG" Garcia para salain ang mga lalahok at piliin kung sino sa kanila ang may talentong puwedeng ipagmalaki ng bawat Pilipino sa buong mundo. Dahil sa mapanuring mata ng Big Three kung kaya't natupad ang pangarap at nabago ang mga buhay ng maraming finalists. Kaninong pangarap ang sunod na matutupad at kaninong buhay ang sunod na mababago? Pakaaabangan ang "Pilipinas Got Talent 4" malapit na sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment