Bukod sa national TV ratings, wagi rin ang 'first kiss' episode maging sa sikat na microblogging site na Twitter. Ilang oras na trending topic nationwide ang hashtag na #SerChiefandMayaNationalKissDay. Hot topic sa netizens ang sorpresang halik sa pisngi ni Sir Chief kay Maya matapos ang pinakaaabangang Junior-Senior Prom Night nina Luke (Jerome Ponce) at Nikki (Janella Salvador).
Samantala, pinagkaguluhan kamakailan ng mga estudyante ang buong cast ng "Be Careful With My Heart," na pinangunahan nina Jodi at Richard, sa parehong awards night ng 11th Gawad Tanglaw at 9th USTv Students Choice Awards.
Dumalo sa parehong gabi ng parangal ang cast ng no. 1 daytime TV program ng bansa upang personal na magpasalamat sa iginawad na Best Ensemble Performance at Best TV series ng Gawad Tanglaw at Best Daily Local Soap Opera at Best Ensemble Performance awards naman ng USTv.
Patuloy na tutukan ang ang paboritong panaghalian ng bayan, "Be Careful With My Heart," araw-araw, 11:45am, pagkatapos ng "Minute To Win It" sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment