Now that they have a reunion project (GMA 7’s “Rhodora X”) Mark Herras knows people are thinking he is using former girlfriend Jennlyn Mercado to boost his career.
"Sa totoo lang, hindi naman kami nakikipag-plastikan sa media or sa mga tao na kailangan sweet tayo kasi may bago tayong teleserye. Hindi eh. Kung ano yung nakikita ninyo off cam, mas nadadagdagan lang iyon kapag on cam. Wala kaming problema ni Jenn ngayon," Mark said at the press launch of the new show Monday, January 20.
Offended
And he feels offended some people are questioning his motives.
”Wala naman silang karapatan para pakialamanan yung buhay ko. Nakakapikon na din yung ibang tao na sinasabi na ginagamit ko daw si Jenn para bumalik yung career ko. Never kong ginamit si Jenn sa trabaho. Everytime na magkakatrabaho kami, trabaho lang ang ginagawa namin ng maayos."
Mark and Jennylyn, who met each other in the talent competition "Starstruck," were together for two years before they broke up in 2005. Mark had a relationship with Ynna Asistio and Jennylyn fell in love with Luis Manzano after that. But both relationships ended in separation.
Meanwhile, Mark and Jennylyn continued to communicate.
"Doon sa mga panahon na hindi kami ang magka love team, hindi kami magka trabaho, still nagkikita pa rin kami sa GMA or sa labas. Iba talaga yung pinagsamahan namin. Kahit ano pa yung mangyari sa amin ni Jenn, andiyan kami sa isa't isa and hindi mawawala iyon," he said.
Together again?
Is there a possibility of them getting back together?
"Ayaw ko munang lagyan or bigyan ng complication kung ano man meron kami ni Jenn ngayon, kasi wala kaming problema sa trabaho. Kung sakali dumating yung panahon na may something na puntahan itong relationship or pagkakaibigan namin ni Jenn, kung lumampas man doon, malalaman ninyo."
Mark is also aware of criticisms about his closeness to Jennylyn and Ynna. He admitted that he gets to meet Ynna and her family to this day.
"Doon sa mga tao na masyadong pinapakialaman yung personal kong buhay, wala naman silang pakialam. Kasi naging sobrang close ako sa pamilya ni Ynna, nila Tita Nads (Nadia Montenegro, Ynna's mom). Kung pumupunta ako doon nung Pasko, nung New Year, or kahit kailan na walang okasyon, gagawin ko kasi hindi ko naman kailangan pagbawalan yung sarili ko na makipag kaibigan sa mga taong iyon kasi mahal ko din sila."
He denied that he and Ynna are back in each other's arms.
"Sabi nga nila 'magka-akbay sila (Mark and Ynna) sa picture!' Magkaakbay lang nagkabalikan na ulit? Sana pakialamanan na lang nila yung sarili nilang buhay. Kung fan sila ng Mark and Jenn, maraming salamat. Pero kung may hinanakit sa akin na ginagawa sa personal kong buhay, wala na silang pakialam doon," he said.
By Karen Valeza | Yahoo Southeast Asia Newsroom