Takot si Daniel sa gagamba, takot naman si Kathryn sa madaming paa.
Parehas silang mahilig sa chocolates. Paborito ni Kathryn yung Reese’s, habang kay Daniel naman ay yung Ferrero Rocher.
Ang paboritong kulay ni Daniel ay “Black,” at “Yellow” naman kay Kathryn. Pareho naman nilang paboritong superhero si Batman.
Pareho nilang ayaw sa subject na MATH.
Mahilig si Kathryn sa mga “romantic comedy” na pelikula, habang si Daniel naman ay mahilig sa “horror.”
Sa Rockwell sila madalas nagmo-mall.
Bally ang tawagan nila sa isa’t isa.
Yung heart necklace na laging suot ni Kathryn ay regalo sa kanya ni Daniel noong Pasko.
Ang first impression ni Kathryn kay Daniel ay mayabang, playboy at heartbreaker. Ang first impression naman ni Daniel kay Kathryn ay masungit, snob at ayaw sa lalaki.
Tatlong taon na sila bilang loveteam. September 4 ang anniversary nila.
Noong 2011, si Albie Casino dapat ang magiging loveteam ni Kathryn sa Growing up, pero pinalitan s’ya ni Daniel at the last minute. Ang “Growing Up” ang unang project nila bilang loveteam.
Nung nagpunta sa Love Lock Bridge sa Paris si Kathryn, sinulat nya sa isang padlock ang initials na “K” and “D.” Ganun din ang sinulat nya sa isang padlock ng magpunta s’ya sa Seoul Tower, Korea.
Una silang nagkita ng mag-guest sila para sa “Showtime” noong 2010.
Ang first kiss (cheeks) nila ay nangyari sa Gandang Gabi Vice. Check out the 15 things you probably didn't know About KathNiel - Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.
By Showbiz Meme
0 comments:
Post a Comment