Pabolosa sa kanyang mga kagamitan ang isang sikat na female personality. Sa isang pitik lang ng kanyang mga daliri ay napapasakanya na ang kahit anong gustuhin niya. Mapera kasi ang babaeng personalidad.
In fairness, ang milyones na meron siya ngayon ay pinaghirapan niya, ilang taon ng pagpapagod at pagpupuyat ang dahilan kung bakit siya yumaman.
Dahil naiayos na niya ang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay ay sinusunod ng female personality ang mga layaw ng kanyang katawan. Anumang magustuhan niya ay siguradong maaangkin niya. Ibang klaseng magsalita ang pera.
Lahat ng granatsa sa buhay ay ginagastusan niya. Mga branded shoes, bags, pagbibiyahe sa kung saan-saang bansa. Basta may libre siyang panahon ay siguradong mangingibang-bansa siya kasama ang mga taong napakalapit sa kanyang puso.
Kuwento ng aming source, “Splurge kung splurge lang ang peg niya. Ano bang milyon ang halaga ng isang maliit lang na bag, go lang siya nang go!
“May collection siya ng mga branded shoes and bags, kapag nabasa niya sa internet na bumili nu’n ang mga sikat na foreign personalities, kailangang meron din siya!
“Given na ‘yun dahil milyonarya naman siya, she can buy anything she wants, wala nang kuwestiyon kung lumarga man siya nang lumarga dahil mapera naman siya.
“Pero may hindi kayo alam. Kung paanong gusto niyang angkinin ang lahat ng materyal na bagay sa mundo, ganu’n din siya bilang kaibigan,” bitin na biting pahimakas ng aming impormante.
Masyado pala siyang selosa bilang kaibigan. Kapag itinuring niyang kaibigan ang isang tao, dapat ay sa kanya lang ito nakatutok, parang wala nang karapatang makipagkaibigan pa sa iba ang kanyang friendship.
Balik-kuwento ng aming source, “Kaya wala siyang tumatagal na kaibigan, kaya puro short-lived ang pakikipagkaibigan niya. Parang binibili niya kasi ang tao, ninanakawan niya ng freedom,” napapailing na kuwento ng aming source.
Written by: Cristy Fermin
By Kakulay Entertainment Blog

0 comments:
Post a Comment