Hindi nga raw nakatiis ang isang female celebrity na sabihan ang kanyang co-star na male celebrity sa isang teleserye na magsipilyo at magmumog naman daw ito ng mouthwash dahil sa kakaibang amoy ng hininga nito.
Kahit alam na ni female celebrity na makaka-offend siya, hindi na raw niya matiis ang amoy na lumalabas sa bibig ng male celebrity.
Marami kasi silang eksena ni male celebrity na malapitan. At noong minsan daw na may eksenang binubulungan siya sa tenga, dun daw ay halos masuka siya sa hindi kaaya-ayang amoy na nagmumula sa bibig ng male celebrity.
Ginawa naman daw ng female celebrity ang ilang paraan para hindi na niya kailangan ma-mention na mabaho ang bibig ni male celebrity.
Nandyan ang alukin niya ito ng mga mint candies, chocolates, at chewing gum para lang mawala ang ‘di kanais-nais na amoy.
Kaso laging tumatanggi ang male celebrity sa mga alok niyang pampaalis ng mabahong amoy sa bibig nito.
Mahilig pa naman daw kumain ang male celebrity ng mga maaanghang na pagkain tulad ng maanghang na pusit na nabibili sa sari-sari store.
Sana raw ay nakikita niyang nagtu-toothbrush ito or nagmumumog para mawala ang amoy. Kaso iinom lang daw ito ng tubig at ‘yun na ‘yon.
Kaya noong gawin nila ang isang eksena na malapitan ulit ang usapan nila, halos maluha-luha si female celebrity sa naghalong anghang at baho ng bibig ni male celebrity.
After ng take ay kinausap na niya ito na huwag magalit pero kailangan niyang mag-toothbrush at magmumog dahil amoy na amoy daw ang kinain nito.
Halatang napahiya ang male celebrity at umalis na lang at nagtago sa kanyang dressing room.
Sana naman daw ay na-get na ni male celebrity ang nais iparating ni female celebrity.
Magaling naman daw na artista si male celebrity kaso ang baho talaga ang bibig nito!
By Kakulay Entertainment Blog

0 comments:
Post a Comment