Simula putulin ang 24/7 live stream ng Pinoy Big Brother 737 dahil sey ni kuya may ilang netizens ang nagbibigay kulay sa "Bromance" na nagaganap sa housemates na sina Kenzo at Bailey kaya nagpasya silang itigil ang livestream.
July 3 ng itigil ni big brother ang live stream at ito din ang araw na lumayas si Barbie Imperial sa bahay ni kuya at base sa datos ng Kantar Media nakapagtala ang PBB 737 1st Eviction Night ng 17% na ratings. Bumaba ang ratings nito noong July 4 at 5 nakakuha ito ng 15.4% na ratings at 14.9%.
Kapansin-pansin sa paglipas ng mga araw ay biglang bumaba ang ratings ng Pinoy Big Brother 737 at isa sa mga dahilan ay ang pagtanggal ng live stream.
Hindi lahat ng ipinapakita sa primetime bida ay detalyado at kumpleto meron ngang ganap noon kina Kenzo at Bailey na hindi manlang naipakita, pano pa ngayon na walang live stream.
Hindi na din interesado ang pinoy viewers na subaybayan ang Pinoy Big Brother 737 dahil sey ng ilan scripted na diumano ang mga paandar sa big brother house, true ba ito kuya?
Kung dati ay laman ng social media at talagang pinagpyestahan ang mga ganap sa loob ng bahay ni kuya, ngayon ay hindi na ito pinag-uusapan ng netizens kahit nga mga taga suporta ay nawalan ng interes sa programang ito dahil sa pagkawala ng live stream.
Kung noon hot topic ang programa at bukambibig ng netizens kabaliktaran na ngayon dahil hindi na hot topic ang PBB 737 sa twitter world at tumamlay na din ang mga ganap sa sikat na forum na Pinoy Exchange at hindi na ito gaano pinag-uusapan.
Narito ang ratings ng Pinoy Big Brother 737 sa Primetime Bida simula July 3-14 ayon sa datos ng Kantar Media.
July 3 - Pinoy Big Brother 737 - 17%
July 6 - Pinoy Big Brother 737 - 13.4%
July 7 - Pinoy Big Brother 737 - 12.1%
July 8 - Pinoy Big Brother 737 - 13.3%
July 9 - Pinoy Big Brother 737 - 12.6%
July 10 - Pinoy Big Brother 737 - 14%
July 13 - Pinoy Big Brother 737 - 13.9%
July 14 - Pinoy Big Brother 737 - 12.1%
By Kakulay Entertainment Blog

0 comments:
Post a Comment