Mukhang hirap ibalik ng Kapamilya Gold ang dati nitong kinang dahil mas patok at inaabangan ang mga programa sa GMA Afternoon Prime.
Hanggang teaser lang pinag-usapan ang serye And I Love You So na pinagbibidahan nila Dimples Romana, Angel Aquino, Julia Barretto at Miles Ocampo.
Matatandaan na maraming memes at litanya ang kumalat sa social media gaya na lang ni Julia Barretto na umingay husto ang kanyang sinabi sa nasabing teleserye.
Pagkatapos ng dalawang linggo simula umere ito noong Desyembre 7, wala na kaagad ingay at hindi na gaano pinag-uusapan sa social media kumpara sa katapat nito na Destiny Rose na patuloy na umaariba sa ratings.
Tila apektado ang pagpapalabas nito sa telebisyon dahil nasapawan ang naturang serye ng mga kalahok na pelikula sa Metro Manila Film Festival, kung baga bad timing at wala sa tamang panahon ang pagpapalabas nito.
Dagdag pa ang mga hit primetime teleserye Ang Probinsyano, Pangako Sa'Yo at On the Wings of Love ang syang napapag-usapan kaya wala gaanong nakukuhang suporta mula sa ABS-CBN ang ilang Kapamilya Gold shows.
Kaya nga ba nag desisyon ang Kapamilya Network na huwag na patagalin sa ere ang serye And I Love You So dahil hindi gaano nagrarate at napapag-usapan sa social media.
Hindi din kinikilig ang ilang viewers sa mga tambalang Miles at Inigo, Miles at Kenzo o di kaya Julia at Inigo mas kinilig pa nga noon at talagang pinag-usapan sa social media ang namuong tambalan sa bahay ni kuya na KeNLey na sina Kenzo at Bailey.
Maihahanay nga ba ang serye And I Love You So sa mga flop teleserye na maagang namaalam sa ere o masasabing nag hit parin ito dahil umabot ito ng tatlong buwan sa ere katumbas ng isang season.
Abangan ang nalalapit na pagtatapos ng teleserye And I Love You So pagkatapos ng Doble Kara at bago mag Tubig at Langis sa Kapamilya Gold.
By Kakulay Entertainment Blog

"Boba, Utak Biyak, Walang Utak"

0 comments:
Post a Comment