So how's it working with Alex now? "I feel more comfortable working with her now," he says. "Mas gumanda siya. After 'Pure Love', hindi naman naputol ang communication namin sa isa't isa kaya I can say na mas kilala ko na siya."
And how does Alex find Joseph as a leading man? "Kapag mahirap ang eksena, minsan, lagi siyang nang-aasar. Nangangamoy raw ako. Pero kapag ngingiti na siya, hindi ka na maiinis. He's a gentleman. We shot some scenes ng movie sa isang coffee plantation sa Benguet. Yung coffee beans kasi, inaapakan yun. Hindi namin alam, may higad pala, so nangati nang husto ang mga paa namin. Ang daming tumulong sa'min para maalis ang kati. Si Joseph, inuna niya ako. Tiniis niya yung sariling kati niya kasi bawal kamutin, lalong kakati, so hinahataw-hataw niya ang mga paa ko, tinapik-tapik para mawala ang kati. Di ba ang bait niya?"
Is Joseph courting her? "For the record, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung nagpaparamdam siya o seryoso siya. Pero may time na ang feeling ko, oo. One time, binigyan niya ako ng bracelet. Terno kami. Tapos tinulungan niya ang daddy ko noong kampanya sa election. Isang tawag ko lang, he came. Pero ayokong mag-assume. Siguro pag dumalaw na lang siya sa bahay namin nang unannounced, yun na."
And what can Joseph say about this? "Ayoko kasing pilitin. I mean, gusto kong maging natural lang siya. 'Yun nga, sabi ni Alex, I really tried before, pero feeling ko, nu'ng time na 'yun, hindi pa siya ready so I respected that. Right now, okay naman kami. So, you'll never know, nandiyan lang naman si Alex, you know, and I'm not closing my doors."
Direk Emman de la Cruz says their chemistry on screen is very apparent in their romantic scenes in "My Rebound Girl". "Panoorin nyo when it opens on Wednesday, September 28 at makikita nyong bagay talaga sila sa isa't isa."
Read more @ Showbiz Portal
0 comments:
Post a Comment