"Siyempre po napakasarap sa pakiramdam," he says. "Sabi ko nga, nakita ko nga lang 'yung pictures ni Julia with her dad sa Instagram, parang naiiyak na ako. Kasi alam ko kung gaano kahalaga 'yun para sa kanya noong time na napagkwentuhan namin 'yon. Kaya happy ako para sa kanya dahil ngayon lang sila nagkita mula nang ipanganak siya. Matagal ng pangarap ni Julia 'yun e. Talagang 'yun ang kulang sa buhay niya, ang makilala ang father niya. Biruin nyo, 21 years, tapos never niya pang na-meet ang daddy niya. Finally nabalitaan namin through sa mga fans namin, yung CocoJuls, sila ang gumawa ng way para mahanap ang father niya. Hanggang sa finally, natupad 'yung pangarap niya para magtagpo sila. Kasi kailangan yun para maramdaman mong buo ka."
There's a report he was asked to run as the new president of the local actors guild. Is this true? "Actually, yes, may nag-alok na tumakbo ako bilang presidente ng actors guild. Inalok ako ng current president na si Rez Cortez. Naging kasama ko kasi siya sa FPJ's 'Ang Probinsyano'. But honestly, kilala ko ang sarili ko, natatakot ako kasi hindi pa ako handa. At hindi ko naman papasukin ang isang bagay na wala naman akong magagawa. Siguro kapag na-feel kong reading-ready na ako, ako na mismo, pupuntahan ko yan. Pero sa ngayon, makakatulong pa rin ako sa mga kasamahan natin sa industriya sa ibang paraan. Dito na lang sa 'Probinsyano', ang daming artistang nabakante ang nabigyan ko ng trabaho rito, like si Dindo Arroyo, na napakagaling na kontrabida. May balak din akong mag-produce at magdirek ng bagong show sa digital format, so marami akong mabibigyan ng trabaho diyan, lalo na yung mga nawala at gustong bumalik sa showbiz."
Read more @ Showbiz Portal
0 comments:
Post a Comment