`JC SANTOS is thrilled with his first Metro-Manila Filmfest entry, "Meant to Beh", where he plays the eldest son of Vic Sotto and Dawn Zulueta. "Thrilled akong sumakay sa float sa Parade of Stars for the first time," he says. "Ngayon ko lang mae-experience yun, e."
He also welcomes the chance of working with Vic and Dawn. "Pero mas thrilled talaga akong nakasama ko sa movie ang dalawang artistang hinahangaan ko lang nung araw, sina Bossing Vic at si Ms. Dawn. Nai-starstruck nga ako noong first shooting day namin. Kasi never kong naisip na balang araw, makakasama ko sila sa isang pelikula at gaganap pa akong anak nila. It's really a great experience working with them."
The year 2017 has been a good one for him. "Sa TV, napasama ako sa reality show na 'I Can Do That' then I had regular roles in 'Wansapanataym Anika Pintasera' and 'Ikaw Lang ang Iibigin'. I've started taping naman for anew soap, 'Asintado', with Lorna Tolentino and Paulo Avelilno."
Someone quipped he gained fame for supporting James Reid, playing a gay role in "Till I Met You". But now, he's much busier than James who's been missing for sometime now.
"Hindi naman. Big star na yun. At may bago na rin siyang projects. E, ako naman, working actor. Sa big screen, I did 'Nabubulok' for Cinemalaya, tapos naging big hit yung ginawa namin ni Bela Padilla na 'Isandaang Tula Para Kay Stella', tapos may Metro filmfest entry akong mainstream movie, ang 'Meant to Beh' na siyang most wholesome film na nagawa ko dahil for general patronage at puede ang buong pamilya to watch it. Hindi ko malilimutan ang pelikulang ito kasi ito ang nagdala sa'kin sa Baguio. Noong mag-shoot kami roon, talagang first kong nakarating sa Baguio. Very special din ito for me kasi, after a long time, magkakasama kami ng pamilya ko ngayon. Ang dad at mom ko, parehong OFW's at uuwi sila rito sa Manila this season so isasama ko sila sa panonood ng movie."
And for 2018, he already has shot a new movie. "Yes, tapos ko na ring i-shoot for Viva Films ang 'Mr. and Mrs. Cruz' na magkapareha kami ni Ryza Cenon for the first time. So maganda ang 2017 kaya sana, magtuloy-tuloy at maging mas maganda pa ang 2018 not only for me but for all of us."
He realizes he really has much to be thankful for. "Kung minsan nga, hindi ako makapaniwala. Tinatanong ko ang sarili ko, is this for real? Totoo ba lahat ng ito? I worked for two years as an OFW singer in Hong Kong Disneyland at never kong naisip na magiging ganito ako busy sa sarili nating bansa, so sobrang pasasalamat ko talaga, una sa Diyos, at ikalawa sa lahat ng mga sumusuporta sa'kin in and out of showbiz. I promise to do my best in every project na ma-assign sa akin."
Read more @ Showbiz Portal
0 comments:
Post a Comment