"Big challenge ito for me kasi nasanay ako sa character roles," he says. "Sa 'Munting Heredera' nga, kontrabida ako kay Camille at ginugulpi ko siya roon. So sa supporting roles, sanay na ako, plakado na for me kung anong gagawin ko. Pero dito sa 'Ang Forever Ko'y Ikaw', lahat, bago para sa'kin. Tinanong ko muna sila, sigurado ba kayo akong gusto nyo sa role na yan? Baka hindi ko kaya yan? Sabi nila, kailangan daw, macho at guwapo ako. Sabi ko, macho, walang problema, magdyi-gym lang ako. Pero yung guwapo, ewan ko, kasi todo na ito. I have to make some adjustments to be convincing sa role ko as Lance. Pero para tulungan ako sa role, ikinuha nila ako ng sarili kong personal stylist. Inaalagaan ang wardrobe ko, yung looks ko, pati gupit ng buhok ko. Ang peg ko raw, si Robert Downey Jr. Kamukha na ba ko ni Ironman?"
And he will be pitted against the rival show starring Robin Padilla and Richard Yap? "Nakakakaba talaga. Pero malakas ang fighting spirit namin. Magpapakilig daw kami so to prepare, nag-workshop kami ni Camille at maganda naman daw ang chemistry namin on screen. It helps na magkaibigan na talaga kami at comfortable sa isa't isa. We trust the material of our show, kasi maganda talaga ang story, lovable ang characters at magagaling ang director naming sina Tata Betita at Jojo Nones, so confident kaming masisiyahan ang viewers sa panonood ng show namin."
Neil is managed by the late Maryo J. de los Reyes and he really felt very sad with the director's sudden demise. "Siempre, mentor ko siya and I consider him my second father and also my financial adviser. Kung anuman ang naabot ko sa ngayon, utang ko sa kanya yun. Ang huling pag-uusap namin is about this project. Sayang at wala na siya ngayong magsisimula na itong i-telecast on March 12."
Read more @ Showbiz Portal
0 comments:
Post a Comment