Ngunit bago pa man ipamalas ni "E-Boy" ang taglay niyang powers sa mga susunod sa episodes, muling balikan ang simula ng family drama series ngayong Linggo (Pebrero 12) sa marathon special na pinamagatang "E-Boy: Ang Unang Yugto." Ipalalabas ito sa ganap na 10:15 ng umaga, bago ang "ASAP 2012." Alamin kung paano binuo ni Gabriel (Martin del Rosario/Ariel Rivera) ang robot na naging tulay niya sa pagtanggap ng kanyang ama (Jaime Fabregas) at ugat naman ng pagkamuhi ng kapatid niyang si Miguel (Joseph Marco/Jomari Yllana).
Tuklasin din kung paano nabuo ng pangarap ang masayang pamilya nina Gabriel, Ria (Empress/Agot Isidro), Adrian (Makisig Morales), at Miyo (Deydey Amansec) at kung paano ito winasak ng inggit at galit. Ano nga ba ang siketo ni "E-Boy" at mabilis niyang nakuha ang loob ng batang si Miyo?
Samantala, patuloy na tutukan ang mga nakamamangha at nakaaantig na tagpo sa “E-boy,” gabi-gabi, pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment