Tutuklasin nga ng dalawa ang siyensya ng pag-ibig, kung bakit nahuhulog ang loob ng dalawang tao sa isa’t isa, at ano nga ba ang katotohanan sa likod ng mga tinatawag na heartaches.
Ibubunyag ni Kuya Kim ang mga iba’t ibang nakasanayang gawin tuwing Valentine’s day sa iba’t ibang panig ng mundo tulad ng pagreregalo ng mga kakaibang bagay sa kasintahan at pag-ipit ng mga hiniwang mansanas sa kili-kili para sabihing “I love you.” Titingnan at susubukan naman ni Ms Kupida na si Melai kung bibisa ba ang mga nakagawiang ito sa mga Pinoy.
Nababasag nga ba ang puso mo kapag ikaw ay heartbroken? Ipapaliwanag din ni Kuya Kim kung bakit ang mga sawi ang puso ay talagang nagkakasakit kapag may pinagdaraanang problema sa pag-ibig.
Samantala, pinarangalan kamakailan ng 2012 UPLB Gandingan Awards ang “Matanglawin” bilang Best Educational Program habang ginawaran naman si Kuya Kim ng Gandingan ng Edukasyon at Gandingan ng Kalikasan para sa kanyang mga adbokasiya sa edukasyon at kalikasan.
Sa mga nakaraang taon, ibinihagi ni Kuya Kim ang mga kaalaman tungkol sa mga hayop, kalikasan, pop culture atbp. Nakita ng mga manonood ang kanyang katapangan sa pagharap sa iba’t ibang mga hindi malilimutang pagsubok gaya nang paghiga sa kabaong, pagtira sa gubat, pagtungo sa bunganga ng bulkan, at pagkasakmal sa kanya ng bayawak.
Makipag-date na kina Kuya Kim at Melai ngayong Linggo (Feb 12) sa espesyal na pre-Valentine’s day episode ng “Matanglawin,” 9:30 AM sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment