“Nagpapasalamat talaga ko sa ABS-CBN management kasi pagkatapos ng 12 years, hindi nila ako pinabayaan,” ani ni Empress.
Dagdag naman ni Ejay, “ABS-CBN ang nagbukas ng pintuan sa akin para makapasok sa showbiz kaya nagpapasalamat talaga ako dahil mula PBB hanggang sa ngayon, nandito pa rin ako sa network na mahal ko.”
Kapwa excited ang mga bida ng “Mundo Man ay Magunaw” sa panibagong milestone na ito sa kanilang career. “Gusto ko rin talaga ng action. At kung mabibigyan ako ng pagkakataon, sana si Ejay pa rin ang kasama ko,” pahayag ni Empress.
Samantala, tulad ng mga career nila Empress at Ejay, dumadagdag na rin ang pananabik sa patindi na nang patinding kuwento ng “Mundo Man ay Magunaw.” Sa labis na pagkamuhi ni Doña Alicia (Tessie Tomas), gagawin nito ang lahat para maibalik si Olivia (Eula Valdes) sa bilangguan at tuluyang mailayo sa apo niyang si Jenny (Nikki Gil). Magtatagumpay kaya si Doña Alicia sa kanyang binabalak? Mababawi pa ba ni Olivia ang matagal nang nawala na anak na si Jenny? Matutuklasan na kaya ni Olivia na ang tumutulong sa kanyang si Sheryll (Empress) ang inaakala niyang patay na bunsong anak?
Huwag bibitaw sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN, ang “Mundo Man ay Magunaw,” araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment