Kikilalanin at aalamin nina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Joey Marquez, at Ogie Diaz ang kwento ng dalawang taong sangkot sa maeskandalong hiwalayan na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ngayong Sabado (Pebrero 25) sa “Showbiz Inside Report.” Sino nga ba sina Vicki at Hayden para sa kanilang mga pamilya at kaibigan? Paano nagsimula ang kwento ng kanilang pagmamahalan? Ano ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan nang magsimula ang kanilang relasyon? Tutukan ang malalimang pagkilala sa dalawang taong sangkot sa hiwalayang pinag-uusapan at laman ng mga pahayagan sa showbiz-oriented talkshow ng ABS-CBN, “Showbiz Inside Report,” tuwing Sabado, 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.
0 comments:
Post a Comment