Na-excite ang Pinoy netizens sa kantahan, sayawan, at kulitan sa programa kaya’t nag-numero ang hashtag na ‘#ItsShowtime’ sa listahan ng trending topics sa Twitter. Nag-trend din ang term na ‘Baliwag U’ na pinauso ng host na si Anne Curtis, at ang ‘Sine Mo ‘To’ na isa sa bagong segments ng noontime program.
Talagang patok ang ‘Sine Mo ‘To’ sa mga manonood dahil aktibong kalahok ang iilang miyembro ng studio audience na napipiling umarte kasama ang hosts na sina Anne, ‘Kuya’ Kim Atienza, Karylle, Vice Ganda, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Ryan Bang, Coleen Garcia, at Eric ‘Eruption’ Tai.
Matapos mapag-usapan sa Twitter, inaabangan na araw-araw ang pagsasadula at pag-usad ng kwentong isinasalaysay nina Vhong Navarro at Billy Crawford. Bukod pa sa pambihirang pagkakataong makasalo ang entablado kasama ang hosts, waging wagi rin ang madlang people participants sa mapapanalunang cash prize para sa kanilang pagganap sa ‘Akting Mo, Premyo Mo.’
Tinututukan din tuwing tanghali ang “Arte Mo!” contest kung saan ang natitirang contestant ang siyang tutungo sa nakakakabang “Rock Clock” round ni Kuya Kim na may jackpot prize na P500,000. Patuloy ding tinutupad ng klasikong talent search portion ng noontime show ang pangarap ng pinakamagagaling na performing groups sa buong bansa na makilala, magpasiklab sa telebisyon, at aliwin ang mga manonood.
Samantala, hindi naman dapat mag-alala ang mga sintunado sa ‘Singing V’ kasama si Vice dahil susubukin nito ang kanilang kaalaman sa lyrics ng iba’t ibang kanta.
Mag-party party araw-araw kasama ang unkabogable na barkadaha ng “It’s Showtime,” 11:30 a.m. sa ABS-CBN. Tumutok din sa Studio 23 sa susunod na linggo, mula February 13 hanggang 17, para mapanood ang simulcast ng “It’s Showtime” sa parehong oras.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment