Matapos ang matagumpay na pilot episode ng “Mundo Man ay Magunaw,” patuloy itong lumilikha ng ingay at tinututukan ng mga manunuod sa bago nitong timeslot na 2:30pm. Mainit ang pagtanggap ng sambayanan sa mas kapanapanabik na mga eksena at gumagandang kuwento ng Kapamilya Gold teleseryeng pinagbibidahan nina Eula Valdes, Empress, Nikki Gil, at Ejay Falcon. Matapos malaman ang kinaroroonan ni Jenny (Nikki), hindi na paaawat si Olivia (Eula) na ipaglaban ang karapatan niya sa anak. Desidido na siyang gawin ang lahat mabawi lang si Jenny mula kay Doña Alicia (Tessie Tomas). At sa nalalapit na engagement party nina Jenny at Mike (Alex Castro), gugulantangin ni Olivia ang lahat. Magkita na nga ba sa wakas ang mag-ina? Matuklasan kaya ni Olivia na sa parehong party ay naroroon ang inaakala niyang namatay na anak na si Bianca?
0 comments:
Post a Comment